
Ex ni Ai Ai nanganganib ang pananatili sa Amerika
MAPAUWI kaya ng Pilipinas si Gerald Sibayan, ang ex-husband ng singer-actress-comedienne na si Ai Ai de las Alas ngayong binawi na niya ang kanyang petition sa dating mister?
Napakahigpit ngayon ng administration ni US President Donald Trump pagdating sa mga undocumented individuals na kasalukuyang nasa Amerika. Ang magiging option na lamang ni Gerald para manatili sa Amerika ay kung ito’y (muling) mag-aasawa sa isang American citizen. But first, he has to file for annulment ng kanyang kasal kay Ai
Ai sa Pilipinas. Hindi siya puwedeng mag-file ng divorce sa Amerika dahil hindi naman siya American citizen pa at sa Pilipinas sila ikinasal ni Ai-Ai.
Maraming legal implications ang kakaharapin ni Gerald kapag manatili siya sa Amerika ngayong na-revoke na ang petition sa kanya ni Ai-Ai for permanent residency sa Amerika at pagkakaroon nito ng green card.
Nung una, walang balak si Ai-Ai na iatras ang kanyang petition sa (dating) mister pero nang malaman umano ng singer-actress-comedienne na ito’y nag-cheat sa kanya, nag-iba ang kanyang desisyon. Itinuloy niya ang pagpapa-revoke ng kanyang petition kay Gerald which was approved by the US Citizenship and Immigration Services (USCIS).
Sa pagkakalam namin ay may regular job na sa Amerika si Gerald pero dahil sa bagong development na ito, malamang na may hadlang ang kanyang pananatili sa Amerika.
Hilda umuwi na sa US pero nangakong babalik
NAKABALIK na ng Los Angeles, California, USA ang veteran and award-winning actress na si Hilda Koronel matapos ang filming ng kanyang comeback movie, ang historical thriller film na “Sisa” mula sa panulat at direksiyon ni Jun Robles Lana at joint production ng The IdeaFirst Company, Quantum Films at iba pang film outfit.
Bago bumalik ng L.A. kung saan siya naka-base, raving ang actress sa kanyang bagong proyekto na sobra umanong napakaganda, isang rason kung bakit niya tinanggap ang proyekto. It was also her first time to work with a new breed of filmmakers and production outfit maging ang nakasama niya sa cast which include Eugene Domingo at Jennica Garcia na puring-puri ng seasoned actress.
Hindi ikinakaila ni Hilda na patuloy umano siyang nakakatanggap ng iba’t ibang offers mula sa iba’t ibang production including TV series, pero hindi umano niya tinanggap ang mga ito dahil hindi umano siya nai-excite sa mga projects na inilalatag sa kanya.
Hilda was so in love with the story of “Sisa” kaya madali siyang napasang-ayon sa project. The movie is intended for the coming Cannes Film Festival in France this May. Balak ding isali sa iba’t ibang international film festival ang pelikula after Cannes. Kapag nakapasok sa Cannes filmfest ang pelikula ay hindi rin magdadalawang-isip si Hilda na lumipad patungong Cannes, France for the yearly filmfest. At kung papalarin, it will be her first time to attend the prestigious film festival.
Last January 17, 2025, the veteran actress turned 68 which she celebrated sa Pilipinas together with three of her six children. Sa Pilipinas na rin siya nag-spend ng Christmas and New Year. Dalawa sa kanyang mga anak ay narito sa Pilipinas habang ang kanyang panganay na si Leona and her granddaughter ay lumipad galing Singapore.
Kapag malapit nang ipalabas ang pelikula sa Pilipinas ay babalik si Hilda to help promote the movie.
Kathryn gusto nang mag-asawa pero Alden bumitaw na?
KAARAWAN ng Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo nung nakaraang March 26 and she’s now 29.
Hindi ikinakaila ni Kathryn na parati umano siya nakakaramdam ng crisis sa kanyang buhay sa tuwing nalalapit o dumarating ang kanyang kaarawan at hindi umano naiiba ang kanyang 29th birthday.
Now that she’s 29, she decided na bumukod na sa kanyang pamilya and be on her own.
Bunso sa apat na magkakapatid, alam ni Kathryn na hindi madali ang humiwalay sa kanyang pamilya na kanyang kasa-kasama in her 28 years of existence. Although humiwalay na siya ng tirahan, hindi naman daw ito nangangahulungan na lalayo na siya sa kanyang pamilya. Gusto rin kasing maranasan ng Kapamilya star ang mamuhay on her own at magdesisyon para sa kanyang sarili.
Years ago nung sila ng kanyang (dating) boyfriend na si Daniel Padilla, nagsabi noon si Kathryn na gusto niyang mag-asawa bago siya mag-30 years old.
Now that she’s 29 ay wala pa ring kasiguraduhan kung matutupad niya ang kanyang binitawang pangako.
Samantala, hindi pala tototo na nag-isnaban sila ni Alden Richards sa nakaraang “Body of Work: Bench Fashion Show” na ginanap sa SM MOA Arena last March 21, 2025 dahil nagbatian ang dalawa back stage at niyakap pa siya ng kanyang leading man sa record-breaking movie na “Hello, Love, Again.” Ang hindi lamang sigurado ngayon ay kung patuloy pa rin ang pangliligaw ng Kapuso prized actor sa Kapamilya superstar dahil ang alam ng marami ay huminto na umano si Alden sa kanyang panunuyo kay Kathryn.
Still on Kathryn, tuwang-tuwa ito sa pagiging isa sa mga judges ng 7th season ng “Pilipinas Got Talent” kung saan niya mga kasama sina G. Freddie Garcia, Eugene Domingo at ang matinee idol na si Donny Pangilinan. The talent reality show is hosted by Robi Domingo and Melai Cantiveros na kanilang minana mula sa original hosts na sina Luis Manzano at Billy Crawford.
Si Luis ay abala ngayon sa pangangampanya bilang vice-governor ng Batangas as running mate ng kanyang ina, ang Star for All Seasons at politician na si Vilma Santos-Recto habang si Billy ay nasa pangangalaga na ngayon ng Viva Artists Agency.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.