Kimpau

Ate Kam boto sa relasyong KimPau

March 30, 2025 Vinia Vivar 186 views

Hindi matatawaran ang pagmamahal at suporta kay Kim Chiu ng kanyang Ate Kam.

Imagine, nagpa-block screening pa si Kam para sa “My Love Will Make You Disappear,” na as we all know ay pinagbibidahan nina Kim at Paulo Avelino.

‘Yan ay sa kabila ng sandamakmak nang block screenings ng pelikula.

Ginanap ang pa-block screening ni Ate Kam sa UP Town Center last Saturday night at isa nga kami sa entertainment press na naimbitahan.

Super-enjoy kami sa movie, lalo na nga sa kilig moments ng KimPau.

Nagmistula kaming high schooler na kinikilig sa dalawa.

Ang lakas talaga ng chemistry nila, sa totoo lang. Mas matindi pa nga ngayon compared sa “Linlang” and “What’s Wrong with Secretary Kim.”

Marahil nga kasi ay dahil may ‘something’ na sila, haha!

Tama ang nababasa naming reviews sa kissing scenes ng dalawa na sandamukal nga. Kaya pala naloka ang mga BFF ni Kimmy na sina Angelica Panganiban at Bela Padilla, eh.

Super-dami naman talaga. At take note, may bed scene pa!

Nakakatuwa na sa ending ay isinama rin ‘yung dialogue ni Kim after nila maghalikan ni Paulo.

“Cut na ba kami, direk?” tanong ni Kim sa direktor.

Tila sinagot ng direktor na hindi pa kaya game silang naghalikan ulit.

“Baka maging kami na pagkatapos nito,” natatawang sabi ng aktres.

Samantala, nahingan namin ng pahayag si Ate Kam sa napakaraming kissing scenes ng kanyang beloved sister.

“Okay lang. Siyempre, hindi tayo magugulat kasi may mga milestones naman ang career ng isang artista. So, it’s about time na rin for mature roles. And hindi na ‘yung princess na pa-tweetums na pa-cute-cute,” sey ni Kam.

Siyempre, hindi rin siya nakaligtas sa tanong kung boto ba siya kay Paulo if ever na sila na nga ni Kim.

“Siyempre, oo naman,” mabilis na sagot ni Kam. “Me, as ate, parang I don’t want naman na parang maging protective. We have our own lives, so kung saan siya masaya. And I know she’s happy, so happy na rin kami,” aniya.

Sinabi na ba sa kanya ni Kimmy kung gaano siya kasaya ngayon?

“Hindi na kailangan, makikita mo talaga sa mata niya, ramdam talaga. Inspired,” sambit niya.

Hindi naman daw siya nakikialam pagdating sa love life ni Kim at hinahayaan lang niya ito lalo pa nga’t nasa tamang edad na ang aktres.

So far, wala pa namang opisyal na kumpirmasyon ang KimPau na sila na. Pero parang hindi na nga kailangan pang umamin dahil sabi nga, actions speak louder than words.

AUTHOR PROFILE