Maja

Maja balak sundan si Baby Maria sa 2026

March 29, 2025 Ian F. Fariñas 158 views

MALAPIT nang mag-isang taon ang panganay ni Maja Salvador na si Baby Maria pero hanggang ngayon ay hindi pa masagot ng aktres kung kailan nila ito papayagang mag-face reveal ng asawang si Rambo Nunez.

Sa katatapos na renewal of contract niya for Blanc Set at Women’s Month celebration ng Beautederm Corporation boss na si Rhea Anicoche-Tan, muling in-arbor ni Maja ang pagkakataong iyon sa press at fans.

“‘Di ko po masagot kung kailan ko siya ipe-face reveal, face reveal!? Hahaha! Kung kailan ko siya ipapakita sa public. Siguro parang ibigay n’yo na sa akin ‘yon, kasi ini-enjoy ko talaga,” panimula niya.

Patuloy na paliwanag ni Maja, “Ang hirap kasi ngayon, eh, lalo na ‘yung AI (artificial intelligence), natatakot ako na ‘yung gamitin, ‘di ba, in the future? Kasi maski ako, tayong lahat, ‘di natin alam, ginagamit na ‘yung mga pictures o may ini-edit silang videos tapos pinapadala somehwere, ‘di ba?

“So, ang dami! Pero ‘yun, yes, meron siyang mga endorsements and we are very thankful, grateful sa mga brands na nagtitiwala at gusto pa rin siyang maging endorser kahit pata-pata lang ang pinapakita niya o ‘yung mga likod ng ulo lang niya, puro back shot. Sobrang thankful kami kasi nga may mga bagong pamilya kami ng… ’yun ngang mga brands na ini-endorse namin. And ‘yun, ‘di talaga po muna. But natutuwa kami kasi ‘pag, kunwari, may alis kami, siyempre hindi mo naman tatakpan lagi ‘yung bata. Pero siguro may respeto rin ‘yung mga tao na alam na hindi namin pwedeng ipost o pinapapost. Or, kunwari, may biglang nag-picture, and’yan ‘yung mga kasamahan namin, makikiusap na ‘’wag po nating ipost, ha?’ Nirerespeto naman nila.”

At kahit aminado na at 37, gusto na rin sana nilang sundan ni Rambo si Baby Maria, eh, mauurong ang plano para sa baby number 2 by middle of 2026.

Gaya ng napabalita, nag-renew din ng contract si Maja sa MQuest Ventures, Inc., kung saan ilang proyekto ang nakatakda niyang gawin para sa TV5. Nariyan ang game show na “Emojination” kasama si Chad Kinis, ang drama series na “Athena,” dance show na “Isayaw Mo” at possibly isang movie.

Pag-amin ni Maja, nami-miss na rin naman niyang umarte. Pero tatantiyahin pa umano niya ang pagbabalik-pelikula dahil depende pa rin siyempre ito sa mga pangangailangan ni Baby Maria.

Sa ngayon, masayang-masaya si Maja sa magkasunod na contract renewal sa Beautederm at MQuest.

Apat na taon na ngang endorser ang aktres ng Beautederm Blanc Set at ayon kay Miss Rhea, isa si Maja sa loyal endorsers niya na authentic at genuine makisama.

Itinuturing nilang blessing ang isa’t isa dahil ang friendship nila goes beyond business. Bonus pa na pareho silang Ilokana.

Papuri nga ni Maja kay Miss Rhea, “Alam mong totoo ‘yung pinapakita niya mula umpisa. Manang ko talaga siya, ninang ko pa… she’s more than my boss so talagang manang ko siya, ateng-ate ko siya.”

Buwelta naman ni Miss Rhea, “Literal na ading ko talaga siya… It’s a blessing na nagkaroon ako ng ading na tulad ni Maja.”

Samantala, ang Beautederm Blanc skincare set ay may tretinoin at hydroquinone na nagpe-prevent ng acne at pimples, nagde-decrease ng inflammation, fine lines at wrinkles, nag-a-address ng dark and aging spots, among others.

Available ito, pati na ang top-selling Cristaux Vitamin C serum, sa Shopee, Lazada, TikTok at lahat ng Beautederm stores nationwide.

AUTHOR PROFILE