
Kargada ng ‘PBB’ housemate pinagpipistahan ng mga accla at matrona
PINAGPIPISTAHAN ang mga accla at matron ang picture ng housemate na si River Joseph kung saan bakat ang kargada niya sa suot na jogging pants, huh!
Eh, kapag nai-zoom ang picture, maaaninag kung gaano ito kahaba at kataba. Malisyoso talaga ang mga accla at matrona.
Parang walang paki si River. Tutal, hindi naman puwedeng makapasok basta-basta ang mga accla at matrona na puwedeng mangdakma sa kargada niya, huh!
Naku, bahagi na ng “Pinoy Big Brother” ang ganyang mga eksena para mas lalong tutukan ang programa.
We were not born yesterday, ‘di ba, Ian F?
TULONG SA MGA TAMBAY
TUMUTULONG na ang rapper/actor/director at vlogger na si Pio Balbuena sa kabuhayan ng mga tambay sa pamamagitan ng kanyang Tambay Traders Inc.
Pero nang maisabatas ni former senator Bam Aquino, na muling tatakbo sa May elections bilang senador, nagpasamalat si Balbuena dahil mas nabigyan pa ng pagkakataon ang mga tambay na magkaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng batas ni Sen. Bam na libreng kolehiyo.
Sa isa niyang vlog, sinabi ni Pio na hindi lang diskarte ang mahalaga para magkaroon ng magandang buhay kundi ang pagkakaroon ng diploma.
Sabi pa niya, kung alam lang niya ang ginawang batas na libreng kolehiyo ni Bam, nagpursige na sana siya sa pangrap niyang kurso.
Kaya naman sa pagbabalik sa Senado ni Bam, natuwa si Pio dahil bukod sa libreng kolehiyo, trabaho naman para sa graduates ang isusulong nito.
Si Balbuena ang may-ari ng Tambay caps na kilala sa iba’t ibang bahagi ng mundo at ngayon, kalalabas lang ng single niya na “45 Bars.”