
Trabaho nagbigay-pugay sa mga nanay, magbibigay ng medical allowance
HARAPANG binigyang-pugay ng Trabaho Partylist ang mga nanay sa Taytay, Rizal.
Nais din nilang pagkalooban ang mga nanay sa buong Pilipinas ng karagdagang-benepisyo.
Ayan ang naging pahayag ni nominee Ninai Chavez na mapapanood sa video na inupload ng grupo kahapon sa kanilang opisyal na 106 Trabaho Party List Facebook page.
Ayon sa nominee, medical allowance ang prayoridad na ipagkakaloob sa mga nanay dahil pati ang kanilang mga anak ay makikinabang din sa benepisyong ito.
Hindi rin umano pababayaan ang mga solo parents na tumatayong parehong nanay at tatay sa kanilang mga anak. Sa pagwiwika nga ni Chavez, “trabaho ng dalawa, ginagampanan ng isa [solo parent]”.
Kinilala ng Trabaho, bilang 106 sa balota, ang kasipagan ng mga nanay- na matapos magtrabaho mula umaga hanggang hapon ay magagawa pa ring magsilbi sa kanilang tahanan at pamilya.
“Natuturuan pa sa mga assignment yung mga anak. Nagluluto pa ng panghapunan [ang mga nanay],” paglalarawan ni Chavez.
Pinuri rin ng grupo si Konsehal Ninay de Leon Mercado sa kanyang mga proyekto para sa kababaihan ng Taytay, Rizal bilang parte ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan.