Roberta Larawan: Roberta Tamondong/IG

Rosalinda

March 24, 2025 People's Tonight 138 views

MUKHANG hindi lang korona ang kaya dalhin ng beauty queen na si Roberta Tamondong kundi pati buong internet, napapatalon sa init!

Paandaran ba naman ni Roberta ang social media ng mapanuksong white beach outfit — bra at skirt na bumagay sa kanyang makinis at sun-kissed na balat.

Mistulang diyosa siyang bumaba mula sa langit ang dalaga. Kaya naman Agad na nagliyab ang comment section!

Narito naman ang komento ng ilang fans na hindi mapakali sa naturang post: “Ay ay ay ito ang sofer latina!”; “Spell HOT? R.O.B.E.R.T.A.” Pero ang pinaka-wagas? “Grabe po Rosalinda!” na para bang isa siyang telenovela queen na isinilang para mang-akit.

AUTHOR PROFILE