Zel Larawan mula sa IG/Zel Fernandez

ZELicious

March 21, 2025 People's Tonight 218 views

CRYSTAL clear ang pagbabandera ng alindog ng Vivamax artist na si Zel Fernandez sa kanyang naging bakasyon sa isang beach.

Sa isang Instagram post, pasabog ang pagbabandera ng hot actress ng kanyang bikini body sa mga ibinahaging larawan.

“Just another beach pic popping up in your feed ,” sey pa niya sa caption ng post.

Hindi nagpaawat ang sexy star sa kanyang bombshell awrahan para sa iconic crystal kayak photo-op experience.

Makikita si Zel sa iba’t ibang posisyon habang suot-suot ang kanyang one-piece bikini, dahilan para bumuyangyang ang ganda ng kanyang wangkata.

May pa-cleavage, at pa-legs pa ang Vivamax actress, talagang kahit ano pang uri ng paghahain ng taglay na hotness, game na game siya riyan.

Tiyak na pagpapawisan ang mga kalalakihan sa patakam ni Zel.

Pinusuan nga ng netizens ang glowing na beauty ng sexy star at naglalagablab niyang hotness. Kinuyog nila ng heart emojis at mga papuri ang kanyang mga larawan.

AUTHOR PROFILE