Maja

Maja nananatiling reyna ng Kapatid Network

March 19, 2025 Ian F. Fariñas 235 views

Mananatiling isa sa pinakamalalaking bituin ng Kapatid Network si Maja Salvador matapos muling pumirma ng kontrata sa MQuest Ventures.

Ngayong 2025, mas marami pang de-kalibreng proyekto ang naghihintay sa kanya sa TV5, Cignal at iba pang MediaQuest platforms.

Sa contract signing, kasama ni Maja sina MVP Group at MediaQuest Chairman Manny V. Pangilinan, MediaQuest at MQuest Ventures President at CEO Jane Jimenez-Basas, MediaQuest Group CFO John Andal, Crown Artist Management COO Vania Ysabel Padilla-Edralin at asawang si Rambo Nuñez, Crown Artist Management CEO.

Mula 2020, naging bahagi na si Maja ng Kapatid Network sa pamamagitan ng hit shows tulad ng “Sunday Noontime Live!,” “Niña Niño,” “PoPinoy,” “Oh My Korona” at “Emojination,” na umabot sa apat na seasons.

Ngayong taon, mas titindi pa ang kanyang pagbabalik sa mas malalaking proyekto.

Kabilang sa bagong line-up ang Season 5 ng “Emojination”, ang pagbabalik niya sa primetime drama sa thrilling revenge series na “Athena” at ang dance competition na “Isayaw Mo”, kung saan muli niyang ipapamalas ang husay bilang “Queen of the Dance Floor.”

Ayon kay Jane Jimenez-Basas, “She is more than just a phenomenal talent — Maja is family to us at MediaQuest. Her passion, versatility, and unwavering commitment to her craft have made a lasting impact, not just on our network but on the audiences who continue to embrace her. We are truly excited for this new chapter with Maja, knowing that she will keep delivering inspiring and unforgettable moments for her fans.”

Bukod sa telebisyon, kasado na rin ang kanyang upcoming film projects sa ilalim ng MQuest Ventures, kung saan isang major movie ang nakatakdang ipalabas ngayong taon.

AUTHOR PROFILE