
PWETikim
TALAGANG mabibitin ang mga kelot sa inihaing patikim ng Vivamax singer-actress na si Yen Durano.
Tukso sa para sa kanila ang pag-display na patakam ng sexy star sa isang Instagram post nito.
Nakakahibang ang overflowing na alindog niya sa mga larawang ibinahagi.
“Proceed with caution,” saad niya sa caption ng nasabing post.
Suot-suot ni Yen ang kanyang two-piece underwear habang nagpupumilit na mangamusta ang kanyang puwet sa nakababang blue jeans ng bebot.
Nagniningning din ang beauty ni Yen, para bang may dalang kapayapaan ang maamo niyang mukha sa wild na fantasy world ng mga kelot. Habang ang kanya namang hubog, nagwawala sa hotness.
Walang duda, totoong-totoo ang bangis ng pagkababae niya dahil naalog ang sangkalalakihan sa patakam niyang ito.
Bukod pa sa mga bago nitong proyekto, nakilala rin si Yen sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Litsoneras (2023), Baby Boy, Baby Girl (2023) at Patikim-Tikim (2023).
Ang character actor na si DJ Durano ang ama ni Yen.