
FL Liza Marcos, anak na si Simon nag-bonding sa Maroon 5 concert
NAKI-JAMMING si First Lady Liza Marcos at ang anak niyang si Simon sa concert ng Maroon 5 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa Instagram post ni First Lady Liza Marcos, sinabi nitong nag-bonding sila ng kanyang anak na si Simon.
“With son #2 who definitely Moves Like Jagger,” saad ng caption ng First Lady.
May hashtag pa ang First Lady na concert buddy at music lover.
Pinasikat ng Maroon 5 ang kantang “Moves Like Jagger”.
Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na nanood ng concert si First Lady Liza Marcos.
Nasa Pilipinas ang Maroon 5 bilang bahagi ng Asia 2025 tour.
Bukod sa Pilipinas, may concert din ang Maroon 5 sa Indonesia, Thailand, Japan, Malaysia at Taiwan.