Janno

Janno at VMX stars hatid ang mainit na katatawanan sa ‘Wow Mani’

January 19, 2025 Ian F. Fariñas 494 views

Maghanda nang tumawa nang todo dahil narito na ang ‘Wow Mani’ mula sa VMX— ang ultimate sexy gag show na puno ng maiinit na skits, mapangahas na humor at tawanan na tiyak na magpapainiti sa inyo.

May 12 episodes nang nakalatag sa unang season nito, kaya’t siguradong hindi ka mauubusan ng rason para tumawa. Mapapanood ang mga bagong episode every other Tuesday. Ang laugh fest mula rito ay garantisadong magbibigay ng sexy dose of fun sa iyong linggo.

Pinangungunahan ito ni Janno Gibbs, ang multi-talented singer-comedian na kilala sa kanyang signature wit at humor. May dalawang nakakatuwang karakter na gagampanan si Janno: Si Injanno Jones, isang adventurous na explorer, at si Janno Depp, isang quiz master.

Narito ang mga pasabog na segments ng “Wow Mani”:

Battle of the Braless: Isang nakakatawang laban kasama ang mga kaakit-akit ngunit clueless na university students na nagpapatunay na pwedeng mabiyayaan ng parehong talino at ganda… minsan.

Injanno Jones: Mapapanood dito ang adventure at kalokohan ng isang self-proclaimed genius at explorer.

Tricky Girl: Isang sexy host ang maghahatid ng tricky na mga tanong sa kalsada, na tiyak magdadala ng maraming tawa at awkward moments.

Tirsong Tuso Sketch: Sundan ang mga gagawing delikado pero nakakatawang desisyon ng isang sugarol na palaging may twist sa bawat taya.

Steam Bath Gag: Dala ng half-naked beauties ang isang riot na tawanan mula sa kanilang maiinit na banter.

Kasama ni Janno sa “Wow Mani” ang sexy stars at hunks na siguradong magdadagdag ng init sa bawat skit: Jenn Rosa, Denise Esteban, Zsara Laxamana, Chloe Jenna, Sunshine Guimary, Krista Miller, Yda Manzano, Skye Gonzaga, Salome Salvi, Christy Imperial, Sahara Bernales, Ada Hermosa, Candy Veloso, Lea Bernabe, Aliya Raymundo, Angeline Aril, Jonica Lazo, Sheena Cole, Nicco Locco at Aerol Carmelo.

Nag-premiere na ang “Wow Mani” noong January 7 at mapapanood ito nang eksklusibo sa VMX. Huwag palampasin ang mapangahas at walang takot na gag show na ito na magbibigay ng bagong kahulugan sa sexy comedy.

Tumutok na every other Tuesday para sa bagong episodes — dahil sa “Wow Mani,” mainit na katatawanan ang tiyak na makukuha mo.

AUTHOR PROFILE