
Crema de Luche
TILA walang makakapigil sa star power ng social media star na si Isabel Luche matapos niyang ibahagi ang kanyang sexy post mula sa kanyang trip sa Siquijor.
Suot ang black bikini na bumagay sa kanyang bottle-like shape, ipinamalas ni Isabel ang kanyang flawless cocomelon figure habang sumasayaw sa ilalim ng pink skies at napapalibutan ng mga puno ng niyog.
“Till next time Siquijor,” ang kanyang simpleng caption, ngunit ang hotness level ng larawan niya ang nagpaapoy sa comment section.
Nag-uumapaw ang reaksyon mula sa kanyang followers. Napansin din ng netizens ang pagpayat ni Isabel. Anang isang fan, “grabe na yung pinayat nya. Iba talaga yung intermittent fasting.”