Patay Nagsagawa ng imbestigasyon ang mga pulis sa pinangyarihan ng pamamaril kung saan napatay ang isang lalaki ng riding-in-tandem sa Tondo, Manila.

Nakulong dahil sa baril, nakalaya, napatay ng RIT

December 28, 2024 Jonjon Reyes 294 views

UTAS ang lalaking bagong laya sa selda matapos pagbabarilin ng nakatakas na riding-in-tandem (RIT) sa Bambang St., Brgy. 254, Zone 23 Tondo, Manila noong Biyernes.

Ayon sa report, nakatayo sa Bambang St. ang biktimang si Henry Pangilinan alyas Tutong bandang alas-10:33 ng gabi ng biglang sumulpot ang mga suspek sakay ng motorsiklo at pinaputukan ng ilang beses ang biktima.

Tumakas ang mga suspek patungong Jose Abad Santos Avenue sa Tondo, Manila.

Naka-helmet, itim na mahabang manggas at sakay ng itim na motorsiklo ang mga RIT, ayon sa report.

Isinugod sa Metropolitan Hospital ang biktima ngunit idineklara itong dead-on-arrival dakong alas-11:38 ng gabi.

Lumalabas sa imbestigasyon na kalalaya lang ng biktima mula sa Manila City Jail noong Oktubre 3, 2024 dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.)

AUTHOR PROFILE