
Julia naki-bonding, namigay ng regalo sa 500 scholars sa Bulacan
NAMAHAGI ng pagmamahal at mas pinainit pa ni Julia Barretto ang Pasko sa pagsasagawa ng charity event kahapon para sa humigit kumulang 500 scholars ng Project Pearls Learning Center sa Bocaue, Bulacan.
Nakipaglaro, naki-bonding at namigay ng mga regalo ang bida ng Metro Manila Film Festival entry na “Hold Me Close” para mas maramdaman ng mga batang ito ang tunay na diwa ng Kapaskuhan.
Gaya sa balik-tambalan nila ni Carlo Aquino sa 50th year ng MMFF, alam ni Julia na iba-iba ang pagtanggap ng bawat tao sa linyang “hold me close.”
Para sa kanya, ito ay tanda ng pagyakap o pagbibigay ng sarili sa kapwa, lalo na sa mga nangangailangan ng tulong at pag-aaruga.
“Ako kasi, personally, everytime you hold me close, sa akin, it’s almost, like, for me a cry for help and support. Because to me, when I’m being held or I’m being embraced, I feel safe. So, iba-iba kasi ‘yung paano nagre-resonate sa isang tao ‘yung ‘pag sinasabing ‘hold me close.’
“Sa akin, parang hold me close because I need a little bit of your strength, like, I need to feel a little bit safer in this moment. So with Lynlyn (karakter niya sa movie), having an ability that’s making her super guarded and afraid of people, kasi nga, it hurts her physically when somebody’s not good for her. So I think it’s, like, when you finally find someone who you know is gonna be good for you, you just wanna be held tightly and closely, like, ‘please don’t let go because I already feel safe here with you.’ So, that’s almost how it resonates to me. It’s like a cry for, like, I wanna feel safe,” mahabang paliwanag ni Julia.
Marami nga ang bumilib na naisingit pa ng aktres ang pagbisita sa kanyang chosen charity sa gitna ng tambak na promo para sa “Hold Me Close.” Pero sabi nga, dahil gusto, nagawan ni Julia ng paraang makasama ang daan-daang scholars kahit puno ang schedule niya sa taunang pestibal.
Pareho naman kasing malapit sa puso niya ang pagtulong sa iba at pagmamahal sa industriya.
“‘Di ko siya masyadong iniisip (na manalo ng award). Because parang nakaka-distract ‘yung ganu’ng klaseng mindset. I think more than anything, ang importante is all films really support each other, all productions support each other. Again this is a celebration of local artistry in films. So I think ang dream lang naming lahat is really, well, personally, speaking for myself, is that people give it a chance. And, you know, see the film and see for themselves, if ganu’n ba ‘yung tono ng… ‘yun ba ‘yung klase ng pelikula na gusto nilang makita sa Pasko. But, yeah, it’s gonna be a different kind of love story, that’s for sure,” saad ni Julia.
Mula sa Viva Films at direksyon ni Jason Paul Laxamana, ang “Hold Me Close” ay mapapanood na sa mga sinehan simula Dec. 25.