Jake

Ang malaking pagbabago sa buhay ni Jake Cuenca

October 29, 2024 Eugene E. Asis 314 views

ISA si Jake Cuenca sa iilang aktor na nakatatayo sa sariling paa. Hindi niya kailangan ng isang ka-loveteam para manatili sa itaas.

Kamakailan, pumirma si Jake ng isang three-year renewal contract sa kanyang home network na ABS-CBN. Dalawang dekada na siya sa larangan ng pag-arte na sinimulan niya sa bakuran ng GMA7.

Sa loob ng maraming taon, marami siyang nagampanang iba’t ibang papel na halos hindi nauulit. Kumbaga, hindi nata-typecast sa iisang karakter. Kahit sa kasalukuyang panahon, makikita ang kanyang versatility–mula sa pagiging pangunahing kontrabida sa maaksiyong teleserye na ‘Iron Heart’ hanggang sa hinangaan ng mga kritiko na ‘The Cattleya Killer’Over , bhbalik siya sa pagiging romantic leading man sa Viu original na “K-Love.”

Kamakailan, nakasama rin siya sa Philippine adaptation ng K-drama na “What’s Wrong With Secretary Kim” na pinangunahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino kung saan iba rin ang ipinakita niyang husay.

Makikitang ibang-iba na rin ang kanyang ipinakikitang gigil sa pag-arte mula sa sa kanyang papel sa “Tayong Dalawa” ng ABS-CBN noong 2009.

Sa pelikula, napaka-impressive din ng mga ipinakita niya mula sa mga mainstream na “In the Name of Love,” “My Neighbor’s Wife,” at “Status: It’s Complicated,”gayundin sa mga indie tulad ng “Mulat (Awaken)” kung saan siya nagwai ng dalawang best actor awards, isa mula sa International Film Festival Manhattan noongn 2014 at isa sa World Cinema Festival sa Copacabana noong 2016.ABS-CBN business unit RCD

Sa ngayon, muli na naman siyang magpapakita ng husay sa isang Prime Video series, ang “What Lies Beneath” ng RCD Narratives na mapapanood din sa Kapamilya Channel.

Ang isa pang dapat abangan mula kay Jake ay ang karakter na gagampanan niya sa Netflix original film na “The Delivery Guy,” kung saan gagampanan niya ang papel ng isang mafia boss.

Ibang-ibang Jake Cuenca na rin ang nakaharap namin sa SuperSam kamakailan dahil aniya, nakawala na siya sa pagiging alcoholic.

Nagsimula ito nang masangkot siya sa isang gulo, nadala sa presinto at naging malaking usap-usapan. Nagpapasalamat siya dahil sa mga kaibigang dumamay sa kanya, lalo na si Paulo Avelino na talagang hindi siya iniwan hangga’t hindi niya naaayos ang gusot.

Sa ngayon, hinding hindi na siya nate-tempt na tumikim pa ng alak kahit na nga nasa harap siya ng mga kasamang nag-iinuman. “Sa kuwentuhan na lang ako kasali, hindi sa inuman,” natatawang sabi niya.

Sa ser ng mga ginagawa niya, iba na ring Jake Cuenca ang nakakaharap ng kanyang co-actors. “Pag break namin, halimbawa, si Richard (Gutierrez), puro tungkol sa acting ang pinag-uusapan namin,” ani Jake.

Ayaw na rin niyang maging mas publiko ang kanyang lovelife pero hindi naman siya madamot mag-share ng ilang detalye. “We’re good,” aniya.

AUTHOR PROFILE