Celebrities na mga reservist handang tumulong

October 21, 2024 Aster Amoyo 308 views

YuloPicPic1Pic2Pic3Pic4Pic5Pic6Pic7Pic8Pic9Pic10Pic11Pic12Pic13Pic14Pic15IT’S never too late to help and serve your country. Ito ay pinatunayan ng almost 69-year-old TV executive at dating president-CEO ng ABS-CBN, ang award-winning actress-TV host at entrepreneur na si Charo Santos-Concio na kamakailan lamang nagtapos sa kanyang training bilang reservist ng Philippine Air Force (PAF) making her the latest reservist ng Philippine Air Force.

Pinatunayan ni Charo na wala sa edad ang pagnanais na makapaglingkod sa bayan.

Ang two-time Olympics gold medalist na si Carlos Edriel Yulo ay isa na ring reservist ng Philippine Navy (PN) maging ang dating beauty queen na si Miss Universe Philippines na si Beatrice Luigi Gonzales na isa ring Philippine Navy reservist. Nariyan pa ang actor na si JC Tiuseco – PN reservist, Enzo Pineda na isang AFP Marine reservist, Beauty Gonzales – Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-ASG) reservist, Coleen Perez – PAF reservist, Kiko Estrada and JM de Guzman na parehong PAF reservist, Christopher de Leon – PN with rank ng Chief Petty Officer, Baron Geisler – PN reservist based in Cebu, actress and former beauty queen Winwyn Marquez – PN reservist, Arci Munoz -PAF reservist,

Vilma Santos-Recto, PAF, Gerald Anderson – Philippine Coast Guard reservist, Dingdong Dantes – Philippine Marine reservist, Ronnie Liang – Philippine Army reservist, Matteo Guidicelli – Philippine Army reservist; Rocco Nacino – Philippine Navy Reservist, Geneva Cruz – PAF reservist at ang volleyball player na si Jon Vic de Guzman as PAF reservist.

Kahit ang actor-comedian at dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista ay Ready Reserve ng 1502nd Infantry Brigade and Standby Reserve ng Legit Armor Brigade Army. Isa ring military reservist ang boxing hero at dating senador na si Manny Pacquiao. Ang nakakatuwa ay dumarami ang mga taga-showbiz ang pumapasok bilang military reservist either sa Philippine Air Force or Philippine Navy na nakahandang maglingkod at tumulong laluna kapag dumarating ang iba’t ibang kalamidad sa ating bansa.

Mga yumaong taga-showbiz gugunitain

SA darating na December 17, 2024 ay mag-iisang taon nang namayapa ang veteran actor na si Ronaldo Valdez, ama ng magkapatid na Janno at Melissa Gibbs at ex-husband ni Maria Fe `Baby’ Ilagan-Gibbs, ang nakababatang kapatid na yumao na ring veteran actress at dating Sampaguita star na si Liberty Ilagan who died at age 76. Sina Liberty at Baby ay mga anak ng National Artist for Film, ang actor-director na si Gerry de Leon na siyang maternal grandfather nina Janno at Melissa.

Ilan sa mga kilalang personalidad na namaalam this year include celebrity couple Mother Lily Monteverde at Father Remy Monteverde na magkasunod na pumanaw nung July 29, 2024 (Father Remy) at August 4, 2024 (Mother Lily). This year din yumao ang veteran entertainment writer and movie critic na si Mario Bautista (January 13, 2024), ang head at founder ng Dreamscape Entertainment

na si Deo Endrinal (February 4, 2024), ang talent manager na si Leo Dominguez (May 24, 2024). This year din sumakabilang-buhay ang veteran at award-winning film cinematographer na si Romeo `Romy’ Vitug. Sa taon ding ito pumanaw ang premyadong actress na si Jaclyn Jose nung March 2, 2024. Ang mga kaluluwa ng mga nabanggit ay kasama sa gugunitain ng kanilang mga mahal sa buhay at malalapit na kaibigan sa nalalapit na All Souls Day.

Taun-taun ay dinarayo ang mga puntod ng mga kilalang personalidad hindi lamang ng kanilang mga mahal sa buhay at malalapit na mga kaibigan kundi maging ng kanilang mga loyal fans tulad ng movie king na si Fernando Poe, Jr. na pumanaw December 14, 2004, ang kanyang wife at movie queen na si Susan Roces nung May 20, 2022, ng movie king na si Dolphy nung July 10, 2012, ang veteran award-winning actor-director na si Eddie Garcia nung June 20, 2019, Nida Blanca nung November 7, 2001, Rico Yan nung March 29, 2002, ang veteran award-winning radio and TV broadcaster na si Mike Enriquez nung August 5, 2022, ang tinaguriang King of Rap o Master Rapper na si Francis Magalona na namaalam nung March 6, 2009. Gugunitaan din ang pagpanaw ng premyadong actress na si Cherie Gil na pumanaw nung August 5, 2022 in New York, gayundin ang mga kaluluwa ng well-loved entertainment news reporter na si Mario Dumaual na pumanaw nung July 5, 2025 maging ng tinaguriang “Dean of Entertainment Writers,” ang veteran entertainment writer, PR specialist at dating talent manager na si Manay Ethel Ramos na sumakabilang-buhay nung September 10, 2023 at ang mahusay na writer-editor-columnist na si Isah V. Red noong September 21, 2019.

Inaalaala rin ang pagpanaw ng iba mga kilalang showbiz personalities tulad ni Julie Vega na pumanaw nung May 6, 1985, ng dating young actor na si AJ Perez na pumanaw sa isang car accident nung April 17, 2011, ang Kapuso actor na si Marky Cieto nung December 7, 2008, Nikko Sotto nung December 29, 2003, ang komedyanang si Mahal nung August 31, 2021 dahil sa Covid-19, ang komedyanteng si Tado nung February 7, 2014 na nahulog sa isang 120-meter deep ravine in Mountain Province, ang lead vocalist ng APO Hiking Society na si Danny Javier na pumanaw nung October 31, 2022 at napakarami pang iba.

Kaori at Jeremiah umiinit bilang loveteam

MiahPATULOY ang Star Magic at ABS-CBN sa pagbi-build-up ng mga bagong loveteams at isa ngayon sa kanilang tinututukan ngayon ay ang tambalan nina Kaori Oinuma (24) at Jeremiah Lisbo (25) na unang napansin ang team-up sa “He’s Into Her” series na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Belle Francisco, na sinundan ng “Love at First Stream” at “Fractured”. Ang dalawa ay siyang lead stars sa bagong web series na “Halfmates”.

Hindi ikinakaila nina Kaori at Jeremiah na kumportable at kabisado na umano nila ang isa’t isa.

Si Jeremiah was among those launched ng Star Magic kung saan niya nakapanabayan sina Belle Mariano at Kyle Echarri na malayo na rin ang narating as far as their respective careers are concerned.

Maybe it’s about time na ang tambalan naman nila ni Kaori ang bigyan ng pansin. Their fans call their tandem KaoMiah at unti-unti na ring umiingay ang tambalan ng dalawa.

Si Kaori ay isinilang in Nagoya, Japan to a Filipina mother at Japanese father. She was four nang magdesisyon ang kanyang ina na bumalik sila ng Pilipinas. Unknown to many, si Kaori ay isa sa mga scholar ng `King of Talk’ na si Boy Abunda. Siya’y nag-aaral (o nagtapos na?) ng Psychology sa Philippine Women’s University. She has two half-siblings sa mother side.

Jeremiah, on the other hand, ay nagtapos ng Hotel and Restaurant Management sa Far Eastern University (FEU). He was a commercial model bago siya naging bahagi ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

In 2018 ay naging commercial model siya ng isang kilalang fast-food chain at naging modelo ng isang popular clothing brand. It was in 2019 when he joined Star Magic.

Si Kaori naman ay produkto ng talent reality show na “Pinoy Big Brother: Otso” bago siya naging talent ng Star Magic. Magkaiba man ang kanilang pinagmulan, sila ngayon ang susunod na inaasahang magiging popular loveteam, bagay na kanilang ikinatutuwa.

Since madalas na silang magsama sa mga proyekto ng ABS-CBN, hindi ring malayong ma-develop ang dalawa sa isa’t isa at mag-level up ang kanilang pagiging magkaibigan into something deeper.

Ang KaoMiah na nga kaya ang susunod na magiging mainit na loveteam?

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE