
Pilipit na pagtanaw sa wikang Pambansa at mga lokal na wika
GINAGAMIT ng mga awtoridad ang wikang kolonyal bilang sandata upang panatilihin ang kanilang dominasyon sa binihag na populasyon batay sa kasaysayan ng mga lupang nalupig. Ito ang nagbuo ng dispalinghadong kaisipan sa mga nalupig sa panahong kolonyal at maging sa kasalukuyang panahong post-kolonyal, na ang katalinuhan ng isang tao ay ibinabatay sa kahusayan sa wikang banyaga, samantalang ang kahinaan naman sa wika ng manlulupig ay ginagawang tanda ng kamangmangan at mababang katayuan sa lipunan. Ang kaisipang ito ay dapat ng iwaksi ng mga Pilipino, maliban na lang kung sila ay hayop o malansang isda.
Idineklara ng 1987 Konstitusyon na ang mga wikang panrehiyon ay pamalagiin na wikang pangtulong sa pagtuturo. Subalit tinatangkilik pa rin ng marami ang kasinungalingan na kailangan gamitin ang wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo upang ang kanilang mga anak ay tumatas dito. Sa ganitong paraan daw magkakatrabaho ang anak sa industriya ng Business Process Outsourcing, makakapag-Overseas Contract Worker, at makakapasok sa industriya ng Turismo na tatlong haligi ng “consumer based economy.” Kinukubli nito ang mababang pagtanaw sa pambansang wika at mga lokal na wika na natural na instrumento sa pagpapalaganap ng pag-iisip na mapanuri at pag-angat sa buhay na kinatatakutan mangyari ng mga dinastiyang politikal.
Ang wikang Filipino at iba pang lokal na wika tulad ng Iloko, Capampangan, Pangasinense, Hiligaynon at Binisaya ay mula sa “Autronesian language family” na dinodominahan ng “singing unstressed monotone.”
Samantala, ang wikang Ingles ay mula sa “Indo-European Languages,” na mga wika sa Europa. Sa pangkalahatan, ang mga nagsasalita ng mga wikang Indo-European ay mas madaling matututuhan ang wikang Ingles dahil makikilala nila ang pamilyar na bokabularyo at gramatika. (https://mangolanguages.com/resources/learn/general/how-to-learn-a-language/your-learning-language-guide/9-reasons-why-english-is-a-difficult-language-to-learn, binuksan noon Oktubre17,2024).
Ang wikang Ingles ay isang “ highly staccato and accented language. It is an unphonetic language in which rhythm, stress, and syllabication play a dominant role in conveying the subtlershadings of meaning.” ( 1925 Monroe Report). Halimbawa ang homophones (parehas ng bigkas, magkaiba ng baybay: “too” at “two” ; “mail” at “male” ) , at homographs (parehas ng baybay,magkaiba ng kahulugan: “bow” of a ship ay iba sa“bow” and arrow). May “irregular verbs” pa at mga salita namay tahimik na letrang hindi binibigkas. Mahabang panahonang kailangan gugulin sa pagkakabisa at praktis.
Ang batang Pilipino na hindi alam ang wikang Ingles, ay may dalawang pasanin sa paaralan: matutong mag-Ingles , atintindihin ang aralin sa wikang Ingles. At lalong bumigat ang dalahin ng bata sapagkat karamihan ng mga guro ay hindi rin bihasa sa wikang Ingles (1925 Monroe Report). Kung wikang katutubo lang ang ginamit sa pagtuturo at pagsusulit, hindi atrasado ng apat na taon ang batang Pilipino kumpara sa bata naang unang wika ay Ingles( 1925 Monroe Report).
Noon 1999, sinabi ni Bro Andrew Gonzalez, FSC (dating Kalihim ng Edukasyon), na higit pa sa midyum ng pagtuturo, ang kanyang pangunahing pag-aalala ay ang pag-unlad ng mas mataas na kasanayan sa pag-iisip upang palayain ang kaisipang Pilipino na maging mapanuri at kritikal sa pagpapasya. Para kay Bro. Andrew, hindi na mahalaga ang trabaho sa ibang bansa nanakakaapekto lamang sa apat na milyon sa 72 milyon Pilipino ( ganyan pa rin ang rasyo sa mas bagong datos ) o ang kakayahanng mga Pilipino na makipagkumpitensya sa akademya sa ibangbansa (napakaliit ang bilang nila). Mali at hindi makatwiran naidisensyo ang isang buong sistema ng edukasyon para lamang sa kapiranggot na minoryang intelektwal at sa mga kakaunting nakaka-angat sa ekonomiya, sapagkat may lakas silang pangalagaan ang kanilang mga sarili gaya ng lagi nilang ginagawa sa nagdaang panahon.
Hangga’t hindi binabasura ng sambayanan ang pilipit na pagtanaw sa wikang pambansa at mga lokal na wika na hindikayamanan na nagpapadunong, ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas, na nakadisenyo para sa iilan, ay hindi makapagbibigay ng mataas na antas ng pag-iisip sa maraming budolin.