Darren

Fans nagpaabot ng concern sa pagkakaospital ni Darren

October 19, 2024 Vinia Vivar 140 views

Isinugod sa hospital si Darren Espanto nitong Huwebes base na rin sa kanyang post sa social media.

Ibinahagi ng Kapamilya singer sa Instagram Story ang kanyang larawan na naka-thumbs up pero kapansin-pansin na may bandage ang kamay.

Sa likod niya ay makikita na nakasulat ang “Radiology,” which means nasa hospital siya.

Hindi niya idinetalye kung ano ang nangyari sa kanya pero base sa caption niya, tila naaksidente siya habang nagre-rehearse para sa upcoming “Magpasikat” anniversary presentation ng “It’s Showtime”.

“Tinodo masiyado sa training for ‘Magpasikat’ 2024,” caption ni Darren.

Nag-post din si Darren sa kanyang X account at sinabing hinihintay niya ang resulta ng kanyang X-ray pero okay naman siya. Humihingi rin siya ng dasal para sa buong “It’s Showtime” family.

“Waiting for my x-ray results! Ok naman po ako. Please continue to pray for all the hosts and the people behind ‘It’S Showtime’! We’re doing our best for y’all! Ilaban natin ‘to!” tweet ng Kapamilya singer/actor.

Nagpaabot naman ng kanilang concern ang kanyang fans and followers.

AUTHOR PROFILE