Kelot binoga

Kelot binoga sa eskinita sa Port Area, patay!

October 18, 2024 Jonjon Reyes 278 views

TODAS ang 32-anyos na lalaki sa pananambang sa eskinita sa Brgy. 649, Baseco compound, Port Area, Manila noong Martes.

Patay agad ang biktima na si John Pascua dahil sa tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang natimbog ng mga pulis ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si alyas Ronnie Boy, 27.

Patuloy pa rin ang manhunt ng pulisya sa isa pang suspek na sangkot sa pagpatay na nakilalang si alyas James, 24.

Bandang alas-9:20 ng gabi ng pagbabarilin ang biktima, ayon sa report.

 

AUTHOR PROFILE