Enrique

Enrique tinabangan sa ‘Incognito’

October 7, 2024 Vinia Vivar 425 views

Totoo kayang nawawalan na ng gana si Enrique Gil sa showbiz dahil sa hindi magandang resulta sa takilya ng kanyang comeback film?

Ayon kay Ogie Diaz, masyado raw nalungkot si Quen sa outcome ng comeback movie nitong “I Am Not Big Bird” na matatandaang ipinalabas sa mga sinehan last February.

“May nagtimbre sa akin, may nagtsika lang sa akin na si Enrique ay nalungkot doon sa naging outcome sa box-office ng ano ‘yun? ‘Yung bird,” sey ni Ogie.

Dagdag ni Ogie, “Eh, ‘yun pa naman ang kanyang unang sabak sa pagbabalik. Eh, kaya lang hindi pinalad sa box office.”

Sey pa ni Papa Ogs, “Medyo devastated si Enrique.”

Pagre-reveal pa niya, originally ay nasa cast si Quen ng “Incognito,” ang upcoming series ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Daniel Padilla.

“Eh, biglang natabangan na si Enrique, ayaw na niya. Eh, ‘di ba, kakapirma pa lang niya sa ABS-CBN? Kumbaga ginaganahan na naman siya. Kaya lang, parang sa takbo ng mga pangyayari, parang nawawalan na ng sigla si Enrique sa kanyang pagbabalik,” sabi ni Ogie.

“Kaya tingnan natin, baka may maganda pang proyekto,” sey pa niya.

AUTHOR PROFILE