
Relasyong Ricardo at Marina mas naging solid
DATING nang solid pero naging mas solid pa ang relasyong Ricardo Cepeda at Marina Benipayo matapos makulong ng 11 months ang aktor sa bintang na syndicated estafa nu’ng 2023.
Sa pakikipag-usap sa ilang entertainment press, sinabi ng dating beauty queen na may mga kumontra man, nakay Ricardo pa rin ang 100 percent support niya bilang partner.
Paliwanag niya, “Wala talaga. Kung may nagtatanong nga, ‘ang guwapo ng asawa mo,’ ganyan, sasabihin ko, ‘pumila ka!’ Di kasi, it’s pretty solid na talaga. So I guess ayun, mas malakas ba?
Parang one thing lang talaga for sure, eh, ’yung, alam ko baka kumontra ang iba, mga women empowerment, but I will always support him. Kasi ako, I’m okay. Kasi, ‘di ba, ‘pag okay ka naman, you can give full support naman sa asawa mo.”
Aminado ang dalawa na hindi naging madali ang pinagdaanan nila habang nakakulong si Ricardo. Pero napagkasunduan umano nila na maging positive at productive na lang sa gitna ng mga pagsubok.
Kwento ni Ricardo, nang malipat siya mula Camp Karingal, QC sa Cagayan Provincial Jail, Tuguegarao City, dalawang beses kada buwan dumadalaw si Marina kaya magastos.
Pagbahahagi naman ni Marina, “Ang ano ko lang sa kanya kasi workaholic siya talaga. So sabi ko it must feel so, pareho kami, pero it must be so frustrating to want to work but you can’t. So sa akin lang after this, ang gusto ko lang talaga is ’yung makapag-work siya agad.“
At dahil ise-celebrate nila ang 12th anniversary sa Nobyembre, wish din nilang makapagbakasyon na magkasama.
“Make the most of the time,” ani Ricardo.
“So now we have the chance to go on a vacation, gawin natin,” dagdag ng aktor.