Coleen

Coleen ‘best wife’ at ‘fantastic mom’ — Billy

September 25, 2024 Vinia Vivar 136 views

Kahit nagluluksa dahil sa pagpanaw ng kanyang ama, siyempre ay hindi pa rin nakalimot si Billy Crawford na batiin ang kanyang lovely wife na si Coleen Garcia, who celebrated her birthday yesterday, Sept. 24.

Ang sweet ng birthday message ni Billy for Coleen na tinawag niyang “best wife” at “fantastic mom.”

“My love, thank you and the Lord our Father for you. Today, we celebrate this special day. Thank you for being the best wife, fantastic mom, and best friend.

“You have taught me so much, and I pray for happiness to rain down on you. You’ve sacrificed so much for us. I hope you have a wonderful, productive, peaceful, and fun birthday.

“I love you so much,” ang buong birthday message ng TV host/singer sa kanyang wifey.

Samantala, last Sunday (Sept. 22) ay kinumpirma ni Billy na pumanaw na ang kanyang ama na si Jack Crawford sa pamamagitan ng kanyang Instagram post.

“I’m sorry, Dad. I wasn’t there to say goodbye, give you a last hug, or tell you how much I love you. You’ll always be in my heart. Thank you for being the greatest dad I could ever have!

“May you finally rest and forever be happy in the arms of Our Lord Jesus Christ. I’ll truly miss you, my main man,” ang mensahe ni Billy para sa ama.

DOC WILLIE 50-50 ANG TSANSANG GUMALING

Inamin ni Dr. Willie Ong na binigyan na siya ng kanyang doktor ng 50-50 chance to live.

“It’s 50-50 eh, 50 percent to live a few more months, a year, 50 percent, anytime baka hindi na huminga,” aniya sa panayam ni Jessica Soho.

Matatandaang kamakailan ay ipinaalam ni Doc Willie sa kanyang YouTube vlog na mayroon siyang sarcoma o abdominal cancer.

Aniya ay may nakitang sarcoma tumor ang kanyang mga doktor sa kanyang abdomen na may laking 16x13x12cm. Hndi raw niya natuklasan ang tumor dahil nakatago ito sa likod ng kanyang puso at sa harap ng kanyang T10 spine.

Sa kasalukuyan ay nasa Singapore siya para magpagamot subalit tanggap niya na walang kasiguraduhan ang kanyang paggaling.

“Parang walang kasiguraduhan na eh, everyday is a blessing. I just live every day, I don’t think of next month, next year, I don’t think about owning money, doing this, or getting into a high position. I got the worst pain, it’s 10 out of 10, Jessica,” pahayag ng tinaguriang Doktor ng Bayan.

Ibinahagi niyang hindi sila nakatulog noong nakaraang gabi ng kanyang asawa na si Doc Anna Liza Ramoso-Ong dahil sa kanyang pagsigaw sa sobrang sakit ng kanyang bukol.

Sa sobrang sakit nga raw ay naiisip na niyang mamatay na ngayon para hindi na siya mahirapan.

“If someboy told me he will give me Dormicum and let me sleep it off and die, okay na sa akin. I would’ve taken it. Kaya siguro pag-isipin natin ‘yung mga euthanasia, kung talagang hirap na hirap na eh. Minsan sobra rin tayong mag-prolong ng life, baka hindi naman talaga ‘yun ang mission,” aniya.

Ikinuwento rin niyang napapanaginipan na niya ang kanyang ina na pumanaw two years ago at tila kinukuha na siya.

“’Yung mommy ko sa dream ko, kinukuha na niya ako. She called me, ‘Willie boy, come to me!’ Parang sabi ng nanay ko, ‘You’ve done your job on Earth. Ginawa mo ng 60 years, eh,’” he said.

Aniya pa, kung anuman ang sasabihin ng doktor ngayon ay tatanggapin niya nang walang galit o takot.

“Kapag sinabing walang pag-asa, eh, di tapos. That’s it pansit,” saad ni Doc Willie.

AUTHOR PROFILE