BINI BINI members Jhoanna Robles, Maloi Ricalde, Colet Vergara at Mikha Lim

BINI nakakapanindig-balahibo ang kasikatan, pati ang pinagmulan

September 24, 2024 Eugene E. Asis 971 views

BINI1

BINI2
‘Born to Win’ crowd at Gateway 11
BINI3
BINI

BornBloomsMikhaNAKAKAPANINDIG-balahibo ang kasikatan ng grupong BINI ngayon.

Nang mapanood namin ang docu-series nilang ‘Chapter One: Born to Win’ sa Gateway Cineplex 11 noong Lunes, naintindihan na namin kung bakit ganoon na lamang sila kasikat ngayon. Never in the history of Philippine entertainment na nagkaroon ng ganitong grupo.

Ang docu na ‘Born to Win’ ay tungkol sa kung paano nabuo ang BINI, at ang struggles nila noong panahon ng pandemic. Marami silang naging sakripisyo mula sa pagpili, at sa kanilang training (kasama ang pagsailalim sa mahigpit na Korean trainers), at sa mga panahong hindi nila nakakasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Kung makikita ang kanilang mga makukulay na kasuotan, masasalamin dito ang makulay din nilang pinagdaanan, mula sa kanilang humble beginnings, hanggang sa kanilang transformation. Mga ordinaryong tao silang iprinisinta sa docu kaya naman makaka-relate sa kanilang kuwento ang sinumang nagnanais na makarating sa itaas tulad nila.

Maraming madidiskubre ang mga manonood tungkol sa members ng BINI na sina Jhoanna Robles, Maloi Ricalde, Colet Vergara, Mikha Lim, Aiah Arceta, Gwen Apuli, Stacey Sevilleja, at Sheena Catacutan.

Binigyan sila ng kanya-kanyang moments sa docu at dito malalaman ang naging desisyon ni BINI Gwen noon na umalis sa grupo dahil sa personal reasons pero kalaunan ay bumalik din; ang pagpanaw ng nanay ni BINI Sheena habang naka-lock in sa BINI house noong kasagsagan ng pandemya; at ang hindi inaasahang nangyari kina Gwen at Aiah bago maganap ang kanilang “BINIverse” concert sa Araneta Coliseum.

Mula sa awiting ‘Da Coconut Nut’ na hindi masyadong kinagat ng fans, ipinakita rin ang ilang beses nilang pagsubok ng ilang kanta bago sumikat nang husto dahul sa kanilang breakthrough hit na “Pantropiko”.

Naging emotional ang kanilang mga tagahanga na kung tawagin ay Blooms habang pinanonood ang naturang docu.

Naroon ang mga miyembro ng grupo na sina Jhoanna Robles, Maloi Ricalde, Colet Vergara at Mikha Lim na pagkatapos ng iyakan ay talaga namang tinilian at pinagkaguluhan ng Blooms.

Naroon din ang ilang ABS-CBN executives tulad nina Chairman Mark Lopez at Star Magic head Lauren Dyogi, Head of Digital Jamie Lopez, Head of Music Roxy Liquigan, at News head Francis Toral.

Produced by iWantTFC and ABS-CBN News and Current Affairs, mapapanood na exclusively ang “BINI Chapter 1: Born to Win” sa September 26, sa iWantTFC.

Ito’y mula sa direksyon nina Jet Leyco at Kapamilya journalist Jeff Canoy.

Ayon kay Canoy, “This is an origin story. Many know that I’m an OG Bloom; I’ve been following their journey since 2020.

“It was surreal, almost like an out-of-body experience, to watch the documentary on the big screen. We were emotional too because it marked the return of long-form documentaries at ABS-CBN News.

“After the pandemic shutdown, we lost that format, so bringing it back with a story about resilience and overcoming adversity, which mirrors Bini’s journey, is really special,” aniya pa.

Samantala, ang “Chapter 2: Here for You” ng BINI docuseries ay magtatampok naman sa regional tour ng grupo at ang personal encounters nila sa mga Blooms mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Dapat din itong abangan.

AUTHOR PROFILE