
Celebs at fans kinilig sa b-day greeting ni Janine kay Echo
Hindi lang fans kundi maging ang mga artista ay kinilig sa birthday greetings ni Janine Gutierrez sa rumored boyfriend na si Jericho Rosales.
Nag-post ang aktres ng larawan nil ani Echo noong Sept. 22, birthday mismo ni Echo.
Napaka-simple lang ng greeting ni Janine pero sapat na ito para kiligin ang kanyang followers kabilang na ang kapwa-celebrities.
“Happy birthday @jerichorosalesofficial,” ang maikling pagbati ng aktres.
Nangunguna ang komento ni Lovi Poe sa comment section saying na kinilig siya.
“Kiligerzzz,” reaksyon ni Lovi.
“Love is in the air! Happy birthday @jerichorosalesofficial” komento naman ng isang netizen.
“Sweet! … Happy to see you both together. Best wishes to a genuine guy that knows how to love, laugh and live life!! Stay the way you are Jericho. @jerichorosalesofficial There’s not a whole lot of guys like you out there. Lucky girl @janinegutierrez,” sey ng isa pa.
“Happiest birthday to the New Guy who have now brought so much sunlight/sunshine in your life. I love you both my #EchoNine” sabi ng isang fan.
“Ang daming langgam dito. kinikilig ako. ate naman ohh happy bday po kuya echo,” sey naman ng isa pa.