Boatdwalk

Valenzuela Boardwalk binuksan sa Valenzuela

September 21, 2024 Edd Reyes 427 views

Boatwalk1PINANGUNAHAN ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang pagpapasinaya at pabubukas ng Valenzuela Boardwalk na may linear park na layuning itaguyod ang pagpapanatili ng malusog na pangangatawan ng mga mamamayan ng lungsod, lalu na ng mga senior citizen.

Ang boardwalk na may 1,300 kilometrong layo at apat na metrong lapad na linear park at bike trail ay sumasakop sa Barangay Coloong, Tagala, at Wawang Pulo na puwedeng lakaran, takbuhan, laruan at pagbisikletahan ng mga residente ng Valenzuela.

Kasabay ng pagbubukas ng boardwalk, inilunsad din ng lokal na pamahalaan ang kauna-unahang “Walkathon with Senior Citizen” na nilahukan ng 200 miyembro ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA)-Alliance of Senior Citizen na may malakas na pangangatwan.

May 600 metro na bahagi ng boardwalk ang tinahak ng mga senior citizen na layunin din ikampanya ang malusog na pamumuhay at pag-eehersisyo. Binigyang ng premyo ang itinanghal na kampeon, first hanggang third runner-up at parangal sa pinakamatandang lumahok sa marathon.

Hindi lamang mga gurang ang nag-enjoy sa isinagawang kaganapan dahil nagsagawa rin ng libreng go-karting para naman sa mga bata na may edad mula apat hanggang pitong taong gulang sa kabilang bahagi naman ng boardwalk na itinaguyod ng Pedway Go Kart Rental.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Wes Gatchalian na hindi lamang nagsisilbing lugar ng libangan kundi ito rin ang kumokontrol sa pagbaha sa tuwing bubuhos ang malalakas nap ag-ulan.

“Ito pong boardwalk natin ay hindi lamang pasyalan, kung hindi ho ay proteksyon para sa ating mga barangay,” sabi ng alkalde.

AUTHOR PROFILE