
1K na pamilya naabo bahay, 7 sugatan sa sunog sa Tondo
AABOT sa 1,000 pamilya ang naabo ang bahay at pito ang nasugatan sa sunog na lumamon sa malaking area sa Aroma compound sa Mel Lopez Boulevard, Vitas, Tondo, Manila noong Sabado.
Nagsimula ang sunog ng bandang alas-12:23 ng tanghali at mabilis na kumalat ang apoy kaya umabot sa Task Force Bravo.
Unang nilamon ng apoy ang tenement area sa Building 27 hanggang 23 at mabilis na kumalat sa paligid.
Karamihan sa mga bahay na nasunog gawa sa kahoy kaya mabilis kumalat ang apoy.
Dakong alas-6:49 ng gabi nang ideklarang fireout ang sunog.