Christy Larawan mula sa IG/Christy Imperial

Papaluin

September 5, 2024 People's Tonight 296 views

MALA-ANGHEL man ang kariktan ng newest Vivamax siren, halimaw naman ang ibinubuga nitong hotness nang mambulabog sa social media.

Sa kanyang Instagram page, nagbahagi ang hot actress ng promotional picture kung saan walang habas ang pagsirit ng kanyang sex appeal.

Tampok si Christy sa kalalabas pa lang na Vivamax original film na “Private Tutor” sa direksyon ni Ryan Evangelista. Nakasama ng sexy star ang iba pang bituin ng Vivamax na sina Zsara Laxamana, Mark Dionisio, at VJ Vera.

“Angel energy,” maikling caption niya sa post.

Mala-siling labuyo ang anghang na patakam ni Christy sa mga kalalakihan. Talagang pagpapawisan sila sa bawat sulok ng kanyang wangkata.

Tila nilagnat ang sangkalalakihan dahil maging sila nakaramdam ng init sa katawan mula sa ipinakitang katawan ni Christy.

Sa comment section nga ay ibang level ang pagpapapansin ng kanyang followers para ma-notice ni Christy. Inulan nila ng papuri ang sexy photos ng bebot at ready para sa mga bago pa nitong proyekto.

Hirit pa nga ng kanyang kapwa Vivamax actress na si Zsara, “Palo ka sa pwet!”

Ang Vivamax original film na ‘Dirty Ice Cream’ ang acting debut ni Christy sa nasabing subscription based, video on-demand app.

Matatandaang nitong July ay naipalabas din ang bagong obsession ng bayan sa highly rated na pelikulang “Top 1.”

AUTHOR PROFILE