
Estudyanteng lalaki, 18, patay sa sunog sa QC
NASAWI ang 18-anyos na estudyante matapos masunog ang tatlong unit ng apartment sa Quezon City nitong Lunes ng umaga.
Sa report ng Quezon City Fire Department (QCFD), bandang 9:14 ng umaga (September 2) nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng No. 166 – D Sct. Limbaga ext. Brgy. Sacred Heart Quezon City, na pagmamay-ari ng isang Gregorio Ortega .
Hindi pa matukoy ang pangalan ng nasawi na isang 18-anyos na estudyanteng lalaki.
Dahil sa pag-ulan, hindi na kumalat pa ang apoy na tumupok sa tatlong unit sa 2 storey residential apartment.
Batay sa imbstigasyon, umabot lamang na unang alarma ang sunog na tumupok sa mahigit P30,000 mga ari-arian.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog na naapula bandang 10:03 ng umaga.