Julia Larawan mula sa IG/Julia Barretto

Ang wangkata ni Julia

September 1, 2024 People's Tonight 414 views

BINULABOG ng aktres na si Julia Barretto ang netizens nang i-flex niya ang kanyang kaseksihan sa social media.

Sa latest Instagram post ng ‘Un/Happy for You’ actress, ibinandera niya ang sumisirit sa hotness niyang katawan.

Tila hulog na hulog sa patibong ng kanyang hubog ang netizens matapos nilang masilayan nang mag-suot si Julia ng two-piece string bikini.

Hindi man masyadong kita ang mukha ng aktres, solve na pampagana na ang wangkata nito sa mga barako.

Iba ang taglay na sex appeal ng aktres na nanggagaling sa kurba ng kanyang toned body.

Hindi naman magkamayaw ang mga netizens na aminadong napa-zoom in sa bagong larawan ni Julia.

May biro pa nga ang vlogger-comedienne na si Alex Gonzaga sa pagbabandera ni Julia ng kanyang apaw na alindog.

“Ayy nasan ba yung tsinelas ko teka,” banat ni Alex sa post.

AUTHOR PROFILE