Herlene Larawan mula sa IG/Herlene Budol

She drives men crazy

September 1, 2024 People's Tonight 311 views

HINDI nga motor ang bet sakyan ng mga kelot kundi ang mismong rider nito nang masilayan nila na ang beauty queen at comedienne-actress na si Herlene “Hipon” Budol ang nakasakay.

Nang mag-post siya ng isang birthday video photoshoot, dinumog ng mga male fans ang kanyang Instagram page para matikman ang inihain na patakam ng bebot.

She drives them crazy nga dahil mapapanood si Herlene na todo-awra sa nasabing post suot-suot ang black one-piece leather bikini.

Makamandag ang mga hagod ng “Magandang Dilag” actress sa sinasakyang motor. Nariyan pang todo patakam siya habang nakapikit.

Mapapalunok din ng laway at mapapakambyo ang mga kelot sa mapangahas na posisyon ni Herlene sa video na animo’y enjoy na enjoy sa sinasakyan niya.

Tila naloka naman ang netizens sa hotness ng comedienne-actress. Agree sila na “basta rider, sweet lover” pagdating sa kanya. Agad nilang pinusuan at binaha ng fire emojis ang comment section ng nasabing post.

Naging wild ang mga komento sa nasabing post. Hirit pa nga ng isa sa kanila, “oh, pasakay naman!”

AUTHOR PROFILE