Heaven Larawan mula sa IG/Heaven Peralejo

Heaven-sent

August 31, 2024 People's Tonight 376 views

TILA sumulyap ang “langit” sa mga bagong larawang ibinahagi ng award-winning actress na si Heaven Peralejo.

Sa isang Instagram post ng ‘Men Are from QC, Women Are from Alabang’ actress, ibinandera niya ang kanyang naging trip sa Bali, Indonesia.

“Summer mode: activated,” saad niya sa caption.

Tumambad sa netizens ang kaseksihan ng aktres habang nasa kanyang background ang magandang view ng isang kuweba at sikat ng araw.

Suot ni Heaven ang kanyang two-piece bikini habang todo-awra sa kanyang mga pose.

Gaya ng kanyang magandang ngiti sa larawan, litaw na litaw ang toned body niya at kakinisan.

Sigaw ng netizens sa aktres ay “say yes to Heaven!” dahil sa taglay nitong alindog, talaga namang tila mabibisita mo ang langit sa iyong pagtitig sa kanya.

Samantala, ang on-screen partner niyang si Marco Gallo ang kumuha ng “breathtaking” photos ni Heaven na kasama niya mismo sa pagbabakasyon sa nabanggit na lugar.

Todo kilig nga ang kanilang fans sa comment section. Hindi nakapagpigil ang mga ito na paulanan ng puso ang mga larawan ng aktres.

AUTHOR PROFILE