
Pia at Jeremy may castle wedding sa Scotland
Binabalak palang magpakasal muli nina Pia Wurtsbach at Jeremy Jauncy kung saan ay iimbitahan na nila ang kanilang friends, loved ones and families.
Matatandaan na naging very private ang wedding ng mag-asawa noong March, 2023 sa isang exclusive island sa Seychelles.
Ayon kay Pia, silang dalawa lang talaga ang naroroon at wala ang kani-kanilang mga pamilya.
“Jeremy and I decided to have a very private wedding where we didn’t even have our families. Our witnesses were people from the island,” kwento ng Miss Universe 2015 sa vlog ni Dra. Vicki Belo.
Kung bakit nga ganu’n ka-private ang kasal, ani Pia, pareho nilang ginusto ni Jeremy ‘yun.
“My worst nightmare is to walk down the aisle with camera phones on me. That I don’t see any faces, only the back of people’s phones,” katwiran niya.
Being a public property ay alam na alam daw ng tao ang kanyang buong buhay at sine-share rin naman daw niya ito sa publiko. Pero gusto niya na ang wedding niya ay maging pribado na.
“I found a part of my life where I just wanted to keep it private and then be like… I wanna enjoy it and I want to say my vows without having to worry about everybody hearing it, be honest about it. I don’t want it to be part of the video as well so I asked him to take it out, and just enjoy and just let it be,” paliwanag niya.
Na-enjoy naman daw niya talaga ang wedding nila na sila lang dalawa at walang anumang coverage.
“But it’s not to say I don’t ever wanna celebrate with other people,” dagdag niya.
Kaya naman pinaplano na nila na magkaroon ng second wedding na gaganapin sa isang castle sa Scotland.
“We actually plan to do a second one, and we want to do it in Scotland, in a castle. And then I was gonna start inviting people,” she revealed.
Gusto lang muna ni Pia na magkaroon ng ceremony na silang dalawa lang and enjoy the moment. Pagkatapos, saka sila magpapakasal muli na may invited guests na.