
Stell at Pablo ’di apektado sa gay issue
Nagbigay na ng reaksyon ang SB19 sa issue ng kanilang sexuality at ‘yung isini-ship sila ng fans sa isa’t isa partkular na nga sina Pablo at Stell.
Sa guesting ng grupo sa show ni Boy Abunda, isa sa mga natanong sa kanila ay kung ano ang masasabi nila na nagiging issue ang kanilang sexuality.
Ayon kay Stell, hindi problema kung pinagdududahan man siyang gay.
“Lagi po akong natatanong or laging nagiging issue sa ‘kin ‘yun and I don’t mind na kung if ever man isipin nila akong ganu’n kasi if ever man na ganu’n ako, what’s the problem?” saad ni Stell.
“May issue ba tayo kung example na maging bakla ako or anything naman na matawag n’yo sa ‘kin? Kasi pare-parehas naman tayong tao, pare-parehas tayong kumakain, pare-parehas tayong dumudumi. So, I don’t think mayroon kang kinalamang sa ‘kin,” paliwanag pa niya.
Pero naiintindihan naman nila kung pinagdududahan man ng mga tao ang kanilang sexuality dahil close talaga silang magkaka-grupo at nagsasabihan pa nga raw sila ng “I love you” although itinigil na nila ito ngayon.
Natatawa na lang daw sina Stell at Pablo na isini-ship sila ng mga tao at hindi nila hinayaang makaapekto ito sa grupo or sa kanilang pagkakaibigan.
“Ayaw rin naman pong hayaan na maapektuhan kami as friends, as a group. Kasi parang kung sa ‘min, joke lang siya and then, sa mga tao pala, iniisip nilang totoo, tapos gagawan pa ng mas malalang issue,” sey ni Stell.
Si Ken, na isini-ship din kay Stell at pati na rin kay Josh, ay nagbigay din ng kanyang reaksyon.
“It’s alright as long as katuwaan lang, but to the point na mag-away-away na kayo just because of a petty thing na ganyan, I think, it’s not okay, hindi na siya maganda,” pahayag ni Ken.