Maureen Larawan mula sa IG/Maureen Wroblewitz

Flat pero hot

August 20, 2024 People's Tonight 271 views

PAGDATING sa ganda ng katawan at mukha, lahat na yata ay kayang ihain ng model-beauty queen na si Maureen Wroblewitz.

Sigaw nga ng kanyang mga followers, “hottest beauty ever” sa isa sa kanyang Instagram post kung saan muling bumida ang sex appeal ng “Asia’s Next Top Model” 5th season winner.

“Missed the ocean,” saad niya sa caption.

Tila umuusok nga ang kanyang kaseksihan sa suot na two-piece bikini habang todo-awra sa pag-pose sa batuhan ng Laguna Beach, California. Nag-uumapaw ang karisma nito mula sa mestiza beauty niyang taglay.

Petite man ang hugis ni Maureen, hindi ito hadlang sa mga barakong bet na bet siyang pagpantasyahan dahil umaapaw naman ng alindog at kariktan ang model-beauty queen.

Sumingit din ang nangamusta niyang singit sa post. Kabogera ang toned body na mayroon siya.

Inalon naman ang mga komento sa kanyang comment section. Pinapurihan ang kaseksihan ni Maureen sa nasabing post.

Dating naging nobyo ni Maureen ang ‘Ere’ singer at ‘Senior High’ actor na si JK Labajo. Ngayon ay napabalitang masaya na sa kanyang personal life ang modelo dahil mayroon na umano itong nobyong Amerikano na ilang beses niya na ring ipinasilip sa kanyang social media.

AUTHOR PROFILE