
Kelot tiklo sa acts of lasciviousness
NATIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang lalaki dahil sa reklamong acts of lasciviousness noong Miyerkules sa Manila City.
Sa ulat ni Police Senior Master Sergeant Mark Lester Ong, bandang alas-9:00 ng umaga nang damputin ang suspek na si alyas Tito Ato, 31.
Inaresto ang suspek dahil sa arrest warrant na inisyu ni Judge Jacqueline Martir-Balictar, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 9 ng Maynila.
Iniutos ng korte na pwedeng lumaya pansamantala ang suspek kung makakapag-bail ng P200,000.