Ruffa

PAMILYA BEKTAS NAKIRAMAY SA GUTIERREZ CLAN

July 31, 2024 Vinia Vivar 225 views

MALAMANG ay nakabalik na ng Pilipinas si Ruffa Gutierrez para habulin ang lamay ng sister-in-law na si Alexa Uichico-Gutierrez, asawa ng younger brother niyang si Elvis.

Pumanaw si Alexa noong Sabado, July 27, matapos ang pakikipaglaban sa sakit na leukemia.

Nasa Los Angeles si Ruffa nang pumanaw si Alexa at kaagad namang nag-book ang aktres ng tiket pabalik ng Pilipinas para makadalo sa lamay ng hipag bago ito i-cremate ngayong Aug. 1.

As per Ruffa’s latest post sa Threads last Monday night, pabalik na siya sa Maynila.

“Finally flying back home and going straight to the wake,” pahayag ng aktres.

Ibinahagi rin niya sa kanyang Instagram Story ang condolence post ng pamilya ng ex-husband niyang si Yilmaz Bektas.

“As the Bektas family, we share the pain and the loss of the Gutierrez family. As the Bektas family, we offer our condolences to the Gutierrez family. Yilmaz Bektas,” ang post ng dating asawa ni Ruffa.

AUTHOR PROFILE