
Gerald lusot na sa sakit na nakuha mula sa baha
Nagkasakit pala si Gerald Anderson matapos ang ginawa niyang paglusong sa baha at ulan sa kasagsagan ng bagyong Carina.
Sa kanyang Instagram account ay ipinakita ng aktor ang mga gamot na iniinom at aniya ay last day of medication na niya. Nagpasalamat din siya sa lahat ng nag-alala para sa kanya.
“Last day of meds 100 from the bottom of my heart, thank you everyone for all the love & concern,” he wrote.
Matatandaang isa si Gerald sa mga nag-risk ng buhay matulungan lang ang mga kababayan nating na-stranded sa baha. Matapang niyang sinuong ang bagyo at lumusong sa malalalim na tubig-baha para mailikas ang mga ito sa ligtas na lugar.
Kaya naman abut-abot ang papuri ng madlang people sa kabayanihan ng boyfriend ni Julia Barretto.
NEGOSYO NI KC NA-COMPROMISE
Ipinaalam ni KC Concepcion sa publiko na na-compromise ang Instagram account ng jewelry business niyang Avec Moi Jewelry.
Kaya naman nagbigay siya ng babala na huwag munang mag-entertain ng messages o anumang transaksyon sa Avec Moi via online.
“Dear followers, we regret to inform you that our Instagram account (@avecmoijewelry) has been compromised yesterday,” ang pagi-inform ni KC.
Hindi raw nila ma-access ang kanilang account at kasalukuyan na nila itong nireresolba.
“We are working diligently to resolve this issue and regain access,” she said.
“Please DO NOT entertain any messages, posts or requests from our account until further notice. Your safety and privacy are our top priority and we appreciate your understanding,” saad pa ng dalaga.
“Please disregard any communication from the account for now, and for all your orders and inquiries, kindly hold until further notice! Thank you!” babala pa ni KC.
Ang Avec Moi ay ang kauna-unahang negosyo ni KC na itinayo niya noong 2018 at siya mismo ang nagde-design ng mga jewelry na kanyang ibinebenta.