Remy1

Father Remy pumanaw na, Mother Lily nasa ospital

July 31, 2024 Aster Amoyo 349 views

RemyRemy2Remy3Remy4PUMANAW na ang Regal patriarch and businessman na si Father Remy Monteverde (Leonardo G. Monteverde), ang loving husband ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde nung nakaraang Lunes, July 29 sanhi ng kumplikasyon sa sakit na pneumonia. He was 86.

Bukod kay Mother Lily (na kasalukuyang nasa pagamutan), iniwan ni Father Remy ang kanyang anim na anak na sina Meme, Dondon, Roselle, Goldwin, Winston at Sherida, his children-in- laws, his grandchildren and great grandchildren at iba pang mga kaanak.

Close family friends and early symphatizers who arrived at the first night wake held at Valencia Events Place in Quezon City include Sen. Lito Lapid, Sen. Grace Poe, FDCP chairman-CEO and award-winning writer-director Joey Javier Reyes, Manay Gina de Venecia, ABS-CBN executive Cory Vidanes, talent manager Girlie Rodis, among others.

Ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya Monteverde mula sa amin dito sa People’s Journal.

Sen. Lito tinanggihan ng mga kapwa senador

LapidSA unang gabi ng burol ni Father Remy Monteverde, July 30 sa Valencia Events Place ay matagal naming nakakuwentuhan ang veteran actor-producer and politician na si Sen. Lito Lapid.

Naikuwento nito na nalulungkot siya na hindi umano tinanggap ng kapwa niyang mga senador na sina Sen. Robin Padilla, Sen. Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada ang isang legacy film project na kanilang pagsasamahan (without talent fee) na pamamahalaan ng Cannes Best Director na si Brillante Mendoza na ang kikitain ng pelikula ay ilalagay sa fund para makatulong sa industriya.

Bukod sa pondo, gusto rin umano nilang makatulong na bumalik sa sinehan ang mga manonood tulad noon.

Bukod sana kina Sen. Robin, Sen. Bong, Sen. Lito at Sen. Jinggoy, makakasama rin nila sa pelikula si Coco Martin at iba pang stars na willing maging bahagi ng `dream project’ na ito ni Sen. Lito who is currently serving his last term bilang senador.

Since umayaw ang mga senador na sina Robin, Bong at Jinggoy, itutuloy pa rin ni Sen. Lito ang proyekto with Coco, former Sen. Manny Pacquiao at iba pang volunteer stars.

“Lahat ng mga major stars na makakasama ay bida sa movie. All we need ay four days of their time,” pahayag ng actor-politician.

“Balik-puhunan lamang para sa producer/s at ang kita ay lahat mapupunta sa industriya, our own way to help the industry,” paliwanag pa ni Sen. Lito.

“Maganda ang konsepto at adhikain ng proyekto at first time mangyayari sa Pilipinas,” aniya.

Sen. Lito, boxing hero and former senator Manny Pacquiao, actor-director and producer Coco Martin and actress-producer Sylvia Sanchez are willing to roll down the funds to produce the dream movie project. Hindi rin umano nila balak na ito’y isali sa Metro Manila Film Festival dahil ayaw nila makipag-compete sa iba pang Filipino films.

“Matagal nang sadsad ang ating industriya. Kung hindi tayo magtutulungan na maiahon ito, sino pa ang ibang tutulong?” tanong ni Sen. Lito.

Since hindi umano sasama sa kanyang iniisip na proyekto sina Robin, Bong at Jinggoy, he will invite other stars na gustong mag-volunteer to be part of the `legacy film’ na gusto nilang gawin.

Samantala, hindi nito ikinakaila na sobra umano niyang ini-enjoy ang kanyang stint sa action-drama series na “FPJ’s Batamg Quiapo” dahil ito umano ang nagsisilbing breather niya sa kanyang trabaho bilang senador.

Sinabi rin ang actor-politician na after his terms as senator ay magre-retiro na umano siya sa larangan ng pulitika.

“Kahit naman sa acting ay retired na rin tayo pero hindi ko lang talaga mapahindian si Coco (Martin),” pag-amin niya.

Pagdating umano sa mga action scenes kung saan kasama siya (Sen. Lito) ay hinahayaan umano siya ni Coco na gawin ang gusto niya, isa sa mga katangian na nagustuhan niya sa longtime partner ni Julia Montes.

Imelda marami nang nagawa sa loob ng isang buwan

Imeldaimelda1ISANG buwan pa lamang sa kanyang puwesto bilang isa sa mga board of directors ng Phiilippine Charity Sweepstatakes Office (PCSO) ang tinaguriang Jukebox Queen, ang singer-politician na si Imelda Papin ay napakarami na nitong nagawa laluna sa mga taong nangangailangan ng tulong na araw-araw na dumudulog sa kanyang tanggapan. Malapit na rin nitong simulan ang kanyang proyektong “Isang Linggong Serbisyo” na mas makakatulong pa sa ating mahihirap na kababayan.

Sa araw na ito ng Agosto ay ground-breaking ng magiging sariling PCSO building in San Marcelino, Manila. Kapag natapos ito ay hindi na mangungupahan ng building ang PCSO at ang kanilang upa ay maidadagdag sa iba’t ibang public service programs ng ahensya.

Araw-araw ay pumapasok si Dir. Imelda sa kanyang tanggapan sa PCSO ito’y bukod pa sa iba’t ibang meetings na kailangan niyang daluhan outside of her office na may kinalaman sa kanyang trabaho as board director.

Since isa rin siyang record, concert and film producer, nagri-rent siya ng isang office (the same building occupied by PCSO) as an extension of her PCSO office sa rami umano ng mga taong kanyang hinaharap araw-araw.

“Since hindi naman kalakihan ang office ko (at PCSO), I’m renting an extension office (in same building) na personal kong binabayaran para dun muna sila maghintay habang may iba akong kausap sa aking tanggapan,” paliwanag niya.

Bukal sa puso ni Dir. Imelda ang pagiging matulungin sa kanyang kapwa kaya nito pinasok ang public service.

“Mas marami ka kasing matutulungan kapag nasa public service ka,” aniya.

Although singing talaga ang first love ni Dir. Imelda, aminado siya na iba umano kanyang priority ngayon – ang maglingkod sa bayan.

Speaking of Dir. Imelda, hindi nito pinabayaan ang namayapang kasamahang si Virgie Balatico nang ito’y ma-ospital hanggang sa kanyang pagpanaw.

Nung kalakasan pa ni Virgie ay ito ang tumayong radio and TV promotions manager ni Imelda nung kasagsagan ng career nito. Super close din si Virgie sa maraming celebrities and entertainment media laluna sa veteran actress at dating TV producer na si Coney Reyes na nagbigay pa noon ng sariling sasakyan sa namayapa.

Bukod kay Manay Gina de Venecia, si Dir. Imelda ang namahala ng one-day wake (July 31) for Virgie na ginanap sa Nacional Chapels and Crematory in G. Araneta Avenue, Quezon City maging sa interment nito at the Holy Cross in Quezon City kung saan din nakatakdang ilipat ang urn ng namayapa na ring dating manager ng Jukebox Queen na si Junne Quintana.

Mark magdiriwang ng 21st anniversary sa isang concert

MarkSINGER-actor and songwriter Mark Bautista is mounting another live concert at The Theatre at Solaire sa darating na August 31 (Saturday) at 8 p.m. na pinamagatang “Mark My Dreams” kung saan niya magiging special guest performers sina Regine Velasquez, Arthur Neri, ang Suklay Diva na si Katrina Velarde at ang singer-composer na si Rob Deniel. Ito’y pamamahalaan ni GB Sampedro with Nico Rivero as musical director.

The concert will mark Mark’s birthday and 21st anniversary concert matapos siyang tanghaling 1st runner up (to Sarah Geronimo) sa “Star for A Night” reality singing competition nung 2003.

Tulad ni Sarah, Mark was also signed-up by Viva Artists Agency (VAA) na siyang nangangalaga sa kanyang career hanggang ngayon.

In his over two decades in the business, malayo na ang narating ni Mark who expanded his talent into acting hindi lamang sa telebisyon at pelikula kundi maging sa international stage when he starred in the international musical play “Here Lies Love” na kuwento ng pag-iibigan nina dating Pres. Ferdinand Marcos, Sr. and former First Lady Imelda Romualdez-Marcos. This was staged at the Royal National Theatre in London in 2014 and reprised the same role sa off Broadway stage in Seattle, USA in 2017.

The singer-actor admits na sa loob ng kanyang 21 years in the entertainment business ay dumaan siya sa maraming challenges at kasama na rito ang kanyang paglabas ng kanyang self-penned controversial autobiography book na pimagatang “Beyond that Mark” at kanyang pag-amin sa publiko na siya’y bi-sexual.

Marami siyempre ang nagulat pero mas marami ang humanga sa tapang na kanyang ipinamalas.

Samantala, nanghinayang si Mark na hindi available si Sarah on August 10 para mag-guest sa kanyang concert dahil sabay silang ni-launch ng Viva in 2003 matapos silang tanghalin as Grand Winner (Sarah) at 1st runner-up naman or 2nd placer naman si Mark. Since then ay pareho nang malayo ang narating ng dalawa pagdating sa kanilang respective solo careers.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo andX@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE