
Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon muling nakakuha ng Unmodified Opinion mula sa COA
SA ikalaang pagkakataon, ginawaran ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon ng Unmodified Opinion remarks mula sa Commission on Audit (COA).
Ito ay dahil sa pagsusumikap na maisulong ang malinis at mabuting pamamahala ng Quezon para sa financial statement noong nakaraang taong 2023 sa pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan.
Matatandaang natanggap din ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon noong Hunyo 2023 para naman sa financial statement ng taong 2022.
“The Auditor rendered an Unmodified Opinion on the fairness of the presentation financial statements as of December 31,2023 of the Provincial Government of Quezon,” nakasaad pa liham ng COA.
Sinabi ng COA na malaking bagay ang nasabing audit opinion, sapagkat ito’y naglalarawan ng tapat at responsableng pamamahala sa limitadong pondo na ginagamit ng Pamahalaang Panlalawigan upang makapaghatid ng iba’t-ibang serbisyo na ang pangunahing layunin ay maiangat ang antas ng buhay at mapunan ang mga pangangailangan ng bawat mamamayang Quezonian.
Nanatili naman ang paninindigan ni Governor Tan na sa kanyang pamumuno ay magpapatuloy ang pagbibigay ng tunay, maayos, at maasahang serbisyo sa hangarin na ito’y magbubunga tungo sa mas maaunlad na lalawigan ng Quezon.
Ang audit report ay inihanda ng Audit tram na binubuo ni Chritopehr Perez, OIC-Supervising Auditor at Audit Team Leader, in concurrent capacity, Jess Esquinas, Mas Reena Lynne Pnohermo at Fernando Barretto, Audit team members.