Kuryente SAYANG–Ang biktima na nakahandusay sa tubig baha matapos mangisay at tuluyang mamatay habang nasa kasagsagan ng bagyong Carina sa Tondo, Manila. Kuha ni JonJon Reyes

Lalaki nangisay sa baha, patay

July 25, 2024 Jonjon Reyes 540 views

PINALALAGAY na nakuryente ang 32-anyos na lalaki nang makitang nangingisay malapit sa poste ng Meralco noong kasagsagan ng bagyo sa Immaculada Concepcion School sa Tayuman St., Tondo, Maynila noong Miyerkules.

Ayon sa report, sinasabing electric shock ang ikinamatay ng biktimang si David Gerona ng Delpan St., Tondo. Maaaring nakuryente ang lalaki habang nakalubog sa tubig baha.

Isang nurse ang tumulong sa biktima at naisugod sa Gat. Andres Bonifacio Medical Center kung saan ito idineklarang patay.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Tayuman Police Community Precinct, bandang alas-2:30 ng hapon ng maganap ang insidente.

Namataan ang lalaki ng ilang tambay na nangingisay hanggang sa humandusay sa tabi ng poste.

AUTHOR PROFILE