Tingog Si Tingog Partylist Rep. Yedda Marie K. Romualdez kasama ang ama ng kanilang tahanan at ng Kamara na si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. Source: FB

Tingog Partylist nakikiisa sa Kamara sa pagsuporta sa PBBM SONA tungo sa Bagong Pilipinas

July 25, 2024 People's Tonight 300 views

NAKIKIISA si Tingog Partylist Rep. Yedda Marie K. Romualdez sa liderato ng Kamara de Representantes sa pagsang-ayon sa katatapos na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isa upang pagtupad sa mga pangako ng Pangulo sa mga Pilipino para sa isang Bagong Pilipinas.

“It is not merely an expression of towering aspirations but a commitment to work hard to make the country’s progress a shared experience for everyone, especially the ordinary masses,” ani Rep. Romualdez, chairperson ng House Committee on Accounts.

Ayon kay Romualdez binigyan diin sa SONA ng Pangulo ang mga tagumpay ng kanyang administrasyon sa pagpapa-unlad ng agrikultura, mga patakarang pang-ekonomiya, mga inobasyon, modernisasyon, pinabuting pangangalaga ng kalusugan, at mga programang panlipunan para sa pagpapabuti ng katayuan sa buhay ng mga Pilipino.

Kabilang din sa naging tampok sa SONA ng Pangulo ang mga solusyon sa mataas na inflation rate at ang kaniyang matatag na posisyon sa isyu ng West Philippine Sea at Philippine offshore gaming operators (POGOs).

“The seemingly insurmountable challenges of the past two years, mostly caused by global conflicts and worldwide supply disruptions, have led to rising costs of rice and other agricultural products, driving local inflation up,” ayon pa kay Rep. Romualdez.

“Additionally, local issues such as the West Philippine Sea disputes, the impact of climate change, and the operations of criminal syndicates involved in smuggling and illegal POGO operations have seriously affected not only the social and economic well-being of our country but have also threatened the moral fiber of our nation,” dagdag pa ng lady solon.

“The absolute ban on POGOs is not only a welcome development but also a testament to the decisive leadership of the President.”

Sinabi ni Rep. Romualdez na sa kabila ng mga pagsubok, ang administrasyon at ang Kamara de Representantes ay hindi natitinag na matulungan ang mga Pilipino at hindi tumatalikod sa kanilang tungkulin.

“We stand united and rally behind one another. We did not allow political affiliations or differences in opinions and beliefs to hinder us from prioritizing, above all else, the welfare of every Filipino,” dagdag pa ni Rep. Romualdez.

Inilahad din ng lady solon ang ilang mga nagawa ng 19th Congress, kabilang na ang pagpapatibay ng New Agrarian Emancipation Act, Maharlika Investment Fund Act, Regional Specialty Centers Act, Trabaho Para sa Bayan Act, Caregivers’ Welfare Act, Public-Private Partnership (PPP) Code of the Philippines, at Internet Transactions Act

“… all bear witness to our utmost commitment and strong support for a Bagong Pilipinas. While much has been achieved, more remains to be done,” saad pa ng mambabatas.

“The Tingog Party List will continue to work hand in hand with the President in pushing for meaningful public governance – one that is rooted in genuine public service and anchored on the ideals of justice, prosperity, peace, equality and national sovereignty,” dagdag pa ni Rep. Romualdez.

Ibinahagi ni Rep. Romualdez ang mga pagsusumikap ng Tingog Partylist na mailapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga Tingog Centers sa buong bansa lalo na sa mga malalayong lugar.

“We will remain steadfast in ensuring that the voices of the Filipino people are not only heard but also felt and championed in the hallowed halls of the House of Representatives, where we have sworn our oath to be their voice,” saad pa nito.

“We stand with the President in fighting against what is wrong and promoting what is right. Rest assured, our loyalty lies not only in our duties but also to the people and, above all, to our beloved country,” ayon pa sa pahayag ni Rep. Romualdez.

AUTHOR PROFILE