Lagusnilad1 Naglagay ng buhangin at barrier ang mga kagawad ng City Engineering Office ng Manila City Hall bilang pangharang sa baha mula sa Lagusnilad. Kuha ni JONJON C. REYES

Ilang kalsada sa Maynila isinara dahil sa baha

July 24, 2024 Jonjon Reyes 485 views

LagusniladLagusnilad2Lagusnilad3PANSAMANTALANG isinara ang ilang kalye sa lungsod ng Naynila dahil sa mataas na baha sanhi ng walang tigil na ulan na dulot ng bagyong Carina.

Umabot sa dibdib ang tubig sa kahabaan ng P. Ocampo at Taft Avenue.

Binaha rin ang tapat ng Rizal Memorial Stadium hanggang sa Quirino Avenue.

Hindi rin pinadaan ang light vehicles sa Lagusnilad sa harap ng Manila City Hall. Ang kahabaan ng Adriatico patungong Quirino at tapat ng Manila Zoo ay sinara rin sa mga motorista.

Abot binti naman ang tubig sa Recto Avenue at Rizal Avenue maging ang kahabaan ng Burgos at Lawton sa Ermita, Manila.

Sa kabila nito, puspusan ang ginagawag paglilinis at pag-aalis ng bara ng Manila Department of Public Service upang maibsan ang pagbaha sa Maynila.

AUTHOR PROFILE