
Pedicab drivers naging ‘bayani’ ng na-stranded

NAGMISTULANG ‘bayani’ to the rescue ang mga pedicab driver at tambay sa mga na-stranded sa kahabaan ng Taft Avenue, U.N. Avenue, Padre Faura hanggang P. Burgos dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha dala ng habagat at bagyong Carina, Miyerkules ng umaga.
Nahirapang makadaan ang mga light vehicles, motorsiklo at taxi sa mga bahang daan.
Bagamat patuloy ang biyahe ng LRT-1, hirap din makapaglakad ang mga pasahero dahil abot sa binti na ang tubig.