Clinic

Mobile clinic sa bawat probinsya itutulak ni PBBM

July 23, 2024 Chona Yu 229 views

TARGET ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maglagay ng mobile clinic sa bawat probinsya sa bansa.

Sa ikatlong State of the Nation Address, sinabi ni Pangulong Marcos na ito ay para mabigyan ng basic medical at laboratory services ang mga Filipino.

“Layunin natin na sa lalong madaling panahon, lahat ng lalawigan natin ay may sapat na mga center o pasilidad na may kakayahang makapagbigay ng pangunahing serbisyong-medikal para sa ating mga mamamayan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Samantala, titiyakin natin na ang bawat isang probinsya ay mabibigyan ng Mobile Clinic, upang ang laboratory exam at ilan pang pangunahing serbisyong-medikal ay mapapalapit natin sa ating mga kababayan,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Nakikipagtulungan ang national government sa local government units (LGUs) para sa pagtatayo ng “Super Health Centers” pati na ang pagdaragdag ng mga doctor at nurse.

Inilunsad na aniya ng administrasyon ang 20 Bagong Urgent Care and Ambulatory Service (BUCAS) Centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa na layuning ma-decongest o mabawasan ang mga pasyente sa mga pampublikong ospital.

AUTHOR PROFILE