Mabini

PBBM sa mga kabataan: Gayahin si Mabini

July 23, 2024 Chona Yu 522 views

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kabataan na gayahin ang kabayanihan na ipinamalas ng bayaning si Apolinario Mabini.

Sa talumpati sa ika-160 kaarawan ni Mabini sa Mabini Shrine sa Tanauan City, Batangas, sinabi ni Pangulong Marcos na ito ay para magtagumpay sa buhay ang mga Kabataan.

“Tinatawagan ko ang mga kabataang Pilipino ngayon na gawing inspirasyon at halimbawa ang buhay ni Apolinario Mabini upang magpunyagi sa buhay,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Nawa’y higit [na] maunawaan ng mga [nakababatang] henerasyon ang kaniyang mga pilosopiyang pampulitika at panlipunan upang sila ay mahikayat na mag-ambag sa pagsulong ng ating bansa,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Hinikayat pa ni Pangulong Marcos ang mga Filipino na magkaisa para maisakatuparan ang mga hangarin ni Mabini patungo sa Bagong Pilipinas.

“Si Mabini ay [nagpapatunay] sa kaisipan na ang bawat isa sa atin ay may kakayahang gumawa ng pagbabago at tumahak sa sariling landas tungo sa tagumpay, sa kabila ng iniindang kalagayan o anumang pagsubok,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Si Mabini ay isang lumpo at ipinanganak sa Talaga, Tanauan noong Hulyo 23, 1864.

Nagtapos si Mabini ng abogasya sa University of Sto. Tomas noong 1894.

Nasa edad 30 si Mabini nang magkasakit dahilan ng kanyang pagkalumpo. Pero hindi ito naging hadlang para itaguyod kabayanihan sa bayan.

AUTHOR PROFILE