Dyessa Larawan mula sa IG/Dyessa Garcia

‘Tatabihan mo ba ako?’

July 21, 2024 People's Tonight 450 views

AGAD na “oo” ang sagot ng mga barako sa tanong ng Vivamax actress na si Dyessa Garcia kapares ng ibinandera niyang hotness sa social media.

“Tatabihan mo ba ‘ko kung ako makakasama mo?,” hirit ng sexy star sa isa sa kanyang mga Instagram posts.

Wow na wow ang awrahan ng hot actress sa nasabing larawan. Siya ang tipo ng bombshell na masarap tabihan at madalas pangarapin ng mga kalahi ni Adan.

Yummy to the max si Dyessa sa suot niyang two-piece black underwear habang nakaluhod sa kama. Tiyak na wish na naman ng ilang mga nasa opposite sex na maging mekaniko para kalikutin ang malangis na makina ng Vivamax actress.

Mukhang takaw-disgrasya ang taglay na kurba ng sexy star. Sa perpekto ba naman nitong hugis, talagang mapapa-garahe sa tabi ang mga kalalakihan para parausin ang kanilang sarili.

Pati nga si Micaella Raz na kapwa hot actress ni Dyessa, sumagot sa tanong niya.

“Tatabi po,” sey ni Micaella.

Sa comment section nga ay binusog nila ng heart at fire emojis ang pagpapainit ng Vivamax actress.

Hirit pa ng isang netizen, “Pwede bang hindi lang tabi?”

Nakilala si Dyessa sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Dilig (2024), Araro (2023) at Sugapa (2023).

AUTHOR PROFILE