Belle

Vivamax tuluy-tuloy ang pasabog sa ‘Maharot’ at ‘Daddysitter’

July 20, 2024 Ian F. Fariñas 1771 views

Belle1TULUY-TULOY ang pasabog ng Vivamax sa release ng Maharot at Daddysitter, dalawang bagong pelikula na puno ng intriga, init at drama.

Sa Maharot, isang binata ang maiin-love sa isang babae na magiging daan para mas makilala niya ang sarili at matuto tungkol sa pag-ibig, pagkakaibigan at pighati.

Pinagbibidahan nina Aiko Garcia at Victor Relosa, pwede nang i-stream ang pelikula sa Vivamax.

Mula sa direksyon ni Rodante Y. Pajemna Jr., ang Maharot ay tungkol sa misteryosang babae na si Joni (Garcia).

Ang kanyang pagdating sa isang maliit na bayan ay pagmumulan ng tsismis at intriga.

Si Tantan (Relosa), isang high school student, ay magkakagusto sa kanya. Kakaibiganin ni Tantan si Joni kahit maraming tutol dito.

Habang nakikilala nila ang isa’t-isa, maraming matututunan si Tantan kay Joni tungkol sa pag-ibig, buhay at pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili.

Habang lumalalim ang nararamdaman ni Tantan kay Joni, mas magiging kumplikado ang mga bagay dahil sa agwat ng kanilang edad at sa trabaho ni Joni bilang isang prostitute.

Dadagdag pa ang best friend ni Tantan na si Tasyo (Ardy Raymundo) sa pagkakaroon nito ng relasyon kay Helen (Athena Red), isang babae na naunang nagustuhan ni Tantan dati.

Titindi ang tensyon at ang panghuhusgang natatanggap ni Joni dahil sa kanyang trabaho. Dahil dito, mapipilitan siyang gumawa ng mahihirap na desisyon.

Ipaglalaban ba ni Tantan ang pag-ibig kay Joni sa kabila ng mga pagsubok, o ang babaeng nagbago ng kanyang buhay ay siya ring wawasak ng kanyang puso?

Alamin sa Maharot, available na para i-stream.

Sa August 2, sasabak naman si Apple Dy sa mundo ng sugar dating bilang isang Daddysitter, isang pelikula mula kay Christian Paolo Lat, kung saan kasama rin sa cast sina Armani Hector, Emil Sandoval at Mia Cruz.

Sa Daddysitter, si Mara (Dy) ay isang college student na hirap sa buhay sa kabila ng kanilang food business.

Dagdag problema pa sa kanya ang gastusin sa tuition ng kanyang kapatid matapos itong mawalan ng scholarship.

Kaya naman ang kaibigan niyang si Isabelle (Cruz) ay ipapakilala sa kanya ang konsepto ng “daddysitting,” o ang pakikipag-date sa mayayaman at matatandang kalalakihan kapalit ng pera at mga regalo.

Sa tulong ni Isabelle, magiging kliyente ni Mara si Ryan (Sandoval), isang mas matandang lalaki. Bagamat sa simula ay hindi komportable si Mara sa kanilang intimate at sexual relationship dahil sa pera, itutuloy niya ito dahil sa kanyang mga pangangailangan.

Ngunit matutuklasan ni Mara na may sakit pala si Ryan. Meron din itong spoiled na anak na si Joseph (Hector) na iba-blackmail si Mara dahil sa isang maselang sitwasyon.

Gusto niyang gamitin si Mara para mapabilis na makuha ang kanyang mana mula sa ama.

Sa pagitan ng kabutihang ipinakita ni Ryan sa kanya at ng matinding pangangailangan niya ng pera, isang problema ang haharapin ni Mara.

Mananatili ba siyang tapat kay Ryan, o magiging kasabwat siya sa mga masamang plano ni Joseph?

Abangan ang Daddysitter na mapapanood na sa Vivamax simula August 2.

AUTHOR PROFILE