
Priscilla patuloy ang patutsada kay John kahit nasa Brazil
NUNG isang taon pa napapabalita ang pagkakaroon ng problema ng mag-asawang John Estrada at ng Brazilian former beauty queen na si Priscilla Meirelles sa pamamagitan na rin ng mga cryptic posts ni Priscilla sa kanyang social media account pero mukhang naayos ito when the couple celebrated their 13th wedding anniversary last April kasama ang kanilang kaisa-isang anak na si Sammanta Anechka. Pero lately ay balik na naman ang dating beauty queen sa kanyang mga patutsada sa kanyang mister na nasa Boracay umano na may kasamang iba sa pamamagitan ng kanyang Facebook Live.
Nasa Brazil ngayon ang misis ni John kasama ang kanilang anak for a much-needed vacation pero babalik umano sila.
Kung matatandaan pa, hiwalay ang actor na si John sa kanyang actress-wife na si Janice de Belen kung kanino siya may apat na anak. Nagkakilala sila ni Priscilla nung 2004 na nauwi sa kanilang pagpapakasal in 2011 at sila’y nabiyayaan ng isang anak.
Priscilla also decided to stay in the Philippines for good at magaling na siyang managalog.
Wala pang komento si John sa mga pasaring ng kanyang misis on Facebook Live.
Rachel at mister maayos ang long distance relationship
NEW York-based Filipina singer, hitmaker, concert performer and actress Rachel Alejandro admits that LDR works for her and Spanish husband (of 13 years) na si Carlos Santa Ana because of work.
Mas madalas na magkahiwalay ang mag-asawa dahil parating on the road si Rachel dahil sa kanyang pagiging singer-performer and concert artist labas pa rito ang kanyang pagiging stage, TV and movie actress.
It was in 2018 when the couple moved to New York, USA. Although nasanay na ang mag-asawa sa kanilang buhay sa New York, mas madalas pa ring magkalayo sina Rachel at Carlos dahil sa kabi-kabilang singing engagements ng una hindi lamang sa Amerika kundi maging sa ibang bansa including the Philippines.
Hindi ikinakaila ni Rachel na nakakaramdam umano siya ng guilt dahil mas madalas na malayo sila sa isa’t isa kesa magkasama and there were even times na kailangan niyang magtagal ng isa hanggang sa anim na buwan laluna nang gawin niya ang teleseryeng “The Broken Marriage Vow” in 2022 which required her to stay in the Philippines for six months. May mga pagkakataon naman na inaabot umano siya ng isang buwan or more pagdating sa kanyang concert tour.
Although Carlos is supportive of his wife, hindi nga lamang niya ito nasasamahan dahil meron itong regular job in New York. Pero bumabawi si Rachel sa kanyang mister whenever she’s free at wala siyang singing engagements elsewhere. The longest time ever that they spent together ay nung pandemic and they were both in New York at dun umano tumibay lalo ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.
Only child ang mister ni Rachel na si Carlos kaya every year ay dumadalaw ang mag-asawa sa Spain to visit her husband’s parents and relatives.
Since pure Spanish ang husband ni Rachelle, she’s learning to speak the language dahil marami sa mga kamag-anak ni Carlos ay hindi marunong magsalita ng English.
Kung si Carlos ang masusunod, gusto nitong mag-retire sila ni Rachelle in Spain pero ayaw muna ito isipin sa ngayon ng singer-actress dahil malayo pa umano `yon at puwede pang mabago ang mga plano nilang mag-asawa.
Hindi rin ikinakaila ni Rachel na ang kanyang mister ang ayaw na magkaroon sila ng anak dahil gusto nito na sila lamang mag-asawa ang magkasama hanggang sa kanilang pagtanda.
Rachel met her husband in a bar in Manila kung saan sila ipinakilala ng sister ng singer-actress na si Barbi na nauwi sa kanilang pagpapakasal nung April 9, 2011.
Samantala, hindi ikinakaila ni Rachel na may isa siyang nakarelasyon noon na sobra niyang iniyakan, ang actor na si Lee Robin Salazar nang sila’y magkahiwalay. Naging nobyo rin noon ng panganay ni Hajji Alejandro ang mister na ngayon ni Jessa Zaragoza na si Dingdong Avanzado.
Anjanette gustong bumalik sa local showbiz
THERE is a chance na bumalik ng Pilipinas ang US-based actress and former beauty queen na si Anjanette Abayari to do a film which will be shot in the US and partly in the Philippines and this excites her no end.
Hindi ikinakaila ng aktres na nami-miss umano niya ang kanyang showbiz career sa Pilipinas, her relatives in Iloilo and her close friends in and out of showbiz.
Sa aming panayam kay Anjanette (for our online talk show, “TicTALK with Aster Amoyo,” inamin nito na napatawad na niya ang kanyang ex-boyfriend, ang dating athlete na si David Bunevacz pero hinding-hindi umano niya makakalimutan ang ginawa nitong panloloko sa kanya laluna nung panahong nakakulong siya sa Guam for illegal drugs nung taong 1999. While she was away, nakuhang ibenta ni David ang kanyang sasakyan at Rolex at balak pa sana nitong ibenta ang kanyang condo unit kung napirmahan niya ang Special Power of Attorney. Nabawi ng uncle ni AJ (Anjanette) ang sasakyan pero hindi ang Rolex watch.
Ang pagiging manloloko ni David ay dinala nito hanggang Amerika kaya ito’y nasentensyahan ng 17 taong pagkakakulong ng California court due to wire and securities fraud.
Walang ginawa si AJ para makaganti kay David. Hindi man ito humingi ng tawad sa kanya ay pinatawad na niya ito nang malaman niya na ito’y makukulong sa loob ng 17 taon.
“But I will never ever forget what he did to me,” deklara ni AJ kasama ang mister nitong si Gary Pangan na isang evangelist preacher and Bible teacher.
Hindi ikinakaila ni AJ na answered prayer umano si Gary sa kanya at sa dalawang teen-age sons na parehong musically inclined na sina Aiden at Ashton.
Hindi lamang God-centered ang kanyang husband but also a good provider, loving and supportive step-dad to her two sons.
“He treats them as his own sons,” pagmamalaki pa ni AJ
Ikinuwento ni AJ na wala umanong idea noon si Gary na isa siyang sikat na personality sa Pilipinas. It was AJ’s friend who asked her to join her sa isang Bible study at nagkataon na si Gary ang Bible teacher.
“Late pa ako dumating at parating late na dumarating sa aming Bible study,” kuwento ni AJ.
“In one occasion, he invited me and my friend to dinner and the second time, he asked me to let my sons join our dinner with my friend without me knowing na part na pala `yun ng panliligaw niya sa akin,” natatawang dagdag na kuwento ni AJ.
Napuntahan namin ang magarang tahanan ng mag-asawang Gary at AJ sa Corona, California, USA nung 2022 and we also had a chance na makilala ang malalapit nilang mga kaibigan during the Easter party held in their house with a huge backyard na may swimming pool, basketball and tennis court and garden where they usually hold parties.
AJ’s eldest seventeen-year-old son na si Aiden is an old soul na mahilig kumanta sa mga Frank Sinatra songs habang ang kanyang 14-year-old son na si Ashton ay kumakanta rin at tumutugtog sa piano/organ. Ang bahay nina Gary at AJ ay may sariling studio and music room dahil mahilig din sa music ang mister ni AJ.
Kung noon ay walang hilig magluto si AJ, ngayon ay marunong na umano siyang magluto ng mga Filipino food. “Thanks to YouTube!,” bulalas niya.
May sarili ring YouTube channel si AJ na siya rin mismo ang nagi-edit.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and @aster_amoyo on X.