Bala

Ex-con binura ng bala ang mukha

July 19, 2024 Edd Reyes 384 views

TIGBAK ang 37-anyos na ex-convict nang barilin ng hindi nakilalang mga salarin noong Biyernes sa Malabon City.

Sabog ang mukha sa tama ng bala ni Regie Canete nang matagpuang wala ng buhay ng mga opisyal ng barangay sa madilim na bahagi sa Talisay basketball court dakong alas-5:40 ng umaga.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nabilanggo na ang suspek dahil sa kasong pagnanakaw at nakalaya noong 2022.

Nagsagawa agad ng follow-up operation ang mga tauhan ng Police Sub-Station 4 sa pangunguna ni P/Capt. Melanio Valera III subalit bigo silang makilala at madakip ang mga salarin habang inaalam pa ang motibo sa pamamaslang.

AUTHOR PROFILE