
ATA Carnet System inilunsad ng BOC, PCCI
KAMAKAILAN ay inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang kilalang “ATA Carnet Systen” sa Pilipinas.
Ang ATA Carnet System, o “Passport for Goods,” ay inilunsad sa makasaysayang Manila Hotel noong Hulyo 15.
“The new system allows businesses and professionals to temporarily export and import exhibition items, professional equipment and commercial samples without incurring import duties and taxes,” ayon sa report.
Pero ang kailangan ay ire-export ang lahat ng imported goods.
Sa isang mensahe, sinabi Commissioner Bienvenido Y. Rubio na mahalaga ang papel ng system “in simplifying processes for business and enhancing Philippine global competition.”
Maraming benepisyo ang dulot ng launching ng ATA Carnet System sa bansa, kabilang na ang increased participation ng Pilipinas sa mga fairs at exhibitions.
Ang Pilipinas ang pang walumpo’t isang bansa na gagamit na ng “ATA Carnet System.”
Ang system ay ima-manage ng PCCI para masiguro na ang lahat ng businesses “can easily navigate this new opportunity.”
Ang launching ceremony ay dinaluhan ng representatives mula sa iba’t ibang organizations, Department of Finance, Department of Trade and Industry and other industry leaders.
Sabi nga ng maraming sektor, ang launching ng ATA Carnet System “is a significant step for Philippine trade.”
Oo nga, ‘di ba Commissioner Rubio?
***
Marami na ang nag-aabang kung anu-anong magandang balita ang nakapaloob sa pangatlong state-of-the-nation address (SONA) ni Pangulong Marcos.
Nakatakdang i-deliver ni Pangulong Marcos ang kanyang SONA sa Lunes, Hulyo 22.
Gagawin ito sa joint session ng Senado at Kamara de Representante sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.
Inaasahang mahigpit na security measures ang ipapatupad sa lugar ng Philippine National Police at iba pang law enforcement authorities sa loob at labas ng gusali.
Lalo na’t nandiyan ang assassination attempt kay former US President Donald Trump.
Mabuti na lang at tainga lang ang nahagip ng mga balang mula sa napatay na suspek.
Sa tingin natin ay kayang-kayang i-secure ng mga otoridad ang safety ng mga dadalosa pangatlong SONA ni Pangulong Marcos.
Dadalo rin sa nasabing SONA ang maraming foreign dignitaries, na kinabibilangan ng mga ambassador.
Ang kailangan lang ay suporta ng taumbayan para mairaos ang SONA na walang di kanais-nais na bagay ang mangyari.
Okay ba, House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez?
****
Inaasahang maghihigpit na ang gobyerno sa implementasyon ng delayed registration of birth sa bansa.
Hindi na biro ang mga report na marami na ang banyagang nagiging Filipino.
Ito ay pagkatapos na makakuha ng birth certificate sa mga opisina ng mga local civil registrar sa ibat-ibang parte ng bansa.
Maraming banyaga ang nakabili ng maraming lupa sa mga probinsiya dahil nga nakakuha sila ng birth certificate.
Sa Pilipinas kasi ay hindi puwedeng bumili ng lupa sa bansa ang mga banyaga.
Kaya dapat makulong ng mahabang panahon ang mga taong sangkot sa anomalya.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).